Ang gobyerno ay hindi ginawa para maibigay ang lahat ng pangangailangan ng bawat indibidwal. Kung hindi sapat, kadalasan ay kulang at halos hindi naibibigay ang ating mga benepisyo mula sa ating lipunan na ginagalawan.
Mahirap mang intindihin, sadyang walang uri ng lipunan ang makapagbibigay ng lahat ng mga pangangailangan ng bawat indibidwal. Mahirap at mayaman man na uri ng pamahalaan, mayroon tayong makikilala na mga miyembro ng Lipunang Sibil.
Sila ang mga grupo ng mga indibidwal na nag-aayos ng mga organisasyon para sa interes ng pangkalahatan.
Mga iba’t-ibang uri ng tao na may iisang adhikain sa buhay at iyan ay ang pagtulong lalo na sa mga mahihirap at nangangailangan.
Mga Halimbawa Ng Lipunan Sibil
Isang halimbawa ay ang MEDIA. Ang media ay ay para sa masa. Tagapaghatid sila ng mga mensahe maging sa pinakasulok na lugar ng isang bansa.
Pera ng pribadong grupo ng mga indibidwal ang puhunan sa pagpapatakbo ng mga organisasyong tulad nito.
Sa pamamagitan ng mga mamamahayag naihahatid nila ang bawat balita na may kinalaman sa kabuhayan, kalagayang pang-seguridad at pang ekonomiya ng ating bansa.
Sa moral at espirituwal nating pangangailangan ay andyan naman ang ating mga kaparian, ministro, imam, at mga pastor ng ating mga simbahan.
Sila ang ating mga gabay para sa personal na pangkapayapaan ng loob. Nagbibigay tulong din sila sa mga kapus-palad, at nagtatayo ng mga bahay-ampunan sa mga batang abandonado at walang mga magulang.
Sa sektor ng ating pamahalaan mayroon tayong mga tinatawag na Party List Organization. Sila ay nasa kongreso at halal sila ng mga tao. Nagsisilbi silang representante ng bawat grupo ng tao sa lipunan.
Halimbawa dito ay ang ACT, o Alliance of Concern Teachers. Ang kanilang representante ang kanilang boses sa kongreso para maiparating ang kanilang mga suliranin at mga mithiin.
Huwag nating i-asa lahat sa ating gobyerno ang ating mga pangangailangan. Huwag nating hintayin ang kaya niyang ibigay sa atin, bagkus isipin natin kung ano ang kaya nating gawin para dito.