Mga Bansa Sa Kanlurang Asya

lokasyon ng kanlurang asya“Mundo o Lugar ng mga Muslim”- ito ang taguri sa kanlurang Asya. Judaism, Kristiyanismo at Islam ang mga pangunahing relihiyon ng mga taong nakatira dito. Ang klima dito ay mainit bunsod ng napakakaunting ulan dito. Ang pangunahing pinagkakakitaan ng gobyerno sa mga bansang ito ay ang pagmimina ng langis.

Sila ang mga pangunahing bansa sa antas ng ekonomiya ng krudo o langis. Isa rin asa mga produkto ng Kanlurang Asya ang prutas na dates, na ayon sa mga nanaliksik ng siyensa ay mainam sa kalasugan ng pawang mga bata at matatanda.

Ang Mga Bansa Nito

Ang Kanluran Asya ay rehiyon kung saan nagtatagpo ang tatlong kontinente ng mundo – ang Afrika, Asya at Europa. Ang mga bansang kabilang sa rehiyon na ito ay ang mga bansang Arabo gaya ng Saudi Arabia, Lebanon, Jordan, Iraq, at Kuwait. Kasama rin dito ang mga bansang malapit sa gulpo gaya ng UAE, Yemen, Oman, Qatar at Bahrain.

Ang kanlurang bahagi ng Asya ay napakayaman di lamang sa langis kundi sa kanilang kultura at mga magagandang tanawin. Ayon sa historya ng mundo, sila ang pinakaunanang sibilisasyon na itinatag noon 3,500 BC.


Sa rehiyon din na ito nabibilang ang mga bantog na mga naging lider ng kanilang bansa gaya ni Nebuchadnezzar, Alexander the Great at iba pa.

ang kinaganda ng kanlurang asyaMaraming natatanging tanawin at mga makasaysayang istruktura ang matatagpuan sa iba’t-ibang bansa ng Kanlurang Asya, tulad na lamang ng…

Templo ng Petra sa Jordan, Kaaba at Mecca sa Saudi Arabia, Palm Islands, Sheikh Zayed Mosque at Burj Khalifa ng UAE, Hardin ng Rene Moawad sa Lebanon, Qal’at al-Bahrain, Saleh Mosque sa Yemen, Bahla Fort sa Oman, Grand Mosque sa Kuwait, at Museum of Islamic Art ng Doha, Qatar.

Sa bansang Iraq naman at matatagpuan ang isa sa mga pinakamakasaysayang anyong tubig sa buong mundo – ang ilog ng Tigris at Euphrates na pinaniniwalaan ng marami na ang totoong lugar kung saan matatagpuan ang “Hardin ng Eden”.