Sa buong mundo nabibilang ang Pilipinas sa mga bansang may maraming uri ng wika na ginagamit. Dahil sa nahahati sa kapuluan at iba’t-iibang rehiyon ang ating lugar, tayo ay nagkaroon din ng kanya-kanyang lenggwahe at dayalekto na ginagamit.
Ayon sa huling talaan ng mga linggwistiko, tayo ay may halos 150 uri ng wikang ginagamit. Sa pananaliksik at pag-aaral nagkakaroon tayo ng mga barayti at baryasyon ng wika.
Kahulugan ng Multilinggwalismo
Hango sa salitang ingles na “multi” na ang kahulugan ay marami at salitang lenggwahe na ang ibig sabihin ay salita o wika. Sa kabuuan ang multilinggwalismo ay “maraming salita o wika”.
Ang wikang Pilipino ay binubuo ng maraming wika. Mula sa ating wikang pambansang gamit, may mga nabuo pang salita hango sa ating mga kasalong wika.
Mga Halimbawa ng Multilinggwalismo
Ang mga halimbawa nito ay ang paggamit ng wikang Kapampangan ng mga taga Pampanga, Tarlac at Bataan, Ilocano naman sa mga rehiyon ng Ilocos at ilang bayan ng Pangasinan at Nueva Ecija.
Nabibilang din sa multilinggwalismo ang mga banyagang salita na natutunan natin mula sa mga dayuhang mananakop at mga kaibigan. Andiyan ang Niponggo ng mga Hapon at Mandarin naman sa mga kapatid na Tsino.
Sa sektor ng edukasyon, ay nagkaroon din ng patakaran ng paggamit ng multilinggwilismo. Sa katunayan ay kasalukuyang ipinatutupad ng kagawaran ang pagdagdag sa paggamit ng “Mother Tongue”o Inang Wika sa sistema ng asignatura ng mga elementarya sa mga pampublikong paaralan.
Sinabatas ang paggamit ng katutubong dayalekto maliban pa sa paggamit ng Pilipino at Ingles sa loob ng paaralan ng mga elementarya. Sinang-ayunan ang paggamit ng multilinggwalismo lalo ng inang wika para mapreserba at di mawala sa sirkulasyon ang ating katutubong wika.
Pangalawa ay para mas maayos nating maiparating ang ating mensahe sa pamamagitan ng paggamit ng sariling wika. Bukod dito ay may mga aklat na rin na nilimbag gamit ang multilinggwalismo. Saan ka man dumako ngayon sa ating lipunan multilinggwalismo ang gamit ng maraming indibidwal, sa sangay man ng edukasyon, komersyo at iba pa.