Paano Nagkakatulad Ang Epiko Ng Mga Bansa Sa Silangang Asya

Tanong

Paano nagkakatulad ang epiko ng mga bansa sa silangang asya?

Sagot

Kilala ang mga epiko bilang mahabang salaysay ng kabayanihan ng iba’t ibang tauhan. Gayunman, sa Silangang Asya, may kapansin-pansing pagkakahalintulad ng mga kuwentong ito.

Dahil sa mayamang paniniwala at kultura ng mga taga-Silangang Asya sa iba’t ibang uri ng panginoon at mga elemento, ang kanilang mga epiko ay sumasaklaw sa mga kuwentong masasabing isang pantasya.

Ang mga tagpuan at mga kaganapan ay nangyari sa isang kagila-gilalas na paraan kasama ang pagkakaroon ng kakaibang lakas at kapangyarihan. Bunga na rin ito ng paniniwala ng mga tao sa rehiyon sa supernatural na uri ng lakas at abilidad.