Pakikipag Ugnayan Sa Mga Kasing Edad

pakisamahan ang mga kasing edadAng bawat henerasyon sa ating lipunang na ginagalawan ay may iba’t-ibang bansag. Ito ay naaayon sa taon ng mga kapanganakan. May Henerasyon X, mga taong pinanganak sa mga taon ng 1965 hanggang 1976, ang mga Milenyal, mga taong pinanganak sa mga taong 1977 hanggang 1995, at ang pinakabago na henerasyon ng mga Sentenyal, ang mga miyembro ng kasalukuyang henerasyon.

Sa ating pang araw-araw na gawain, mapaloob ng tahanan o labas man, tayo ay nakakakilala ng iba’t ibang uri ng tao, at minsan ay may mga hindi natin kalahi. Pinakamahirap ay ang makisalamuha at makibagay sa kapwa tao.

Edad ang pinakamalaking suliranin sa mga sitwasong ito. Iba ang panlasa at gusto ng mga bata sa mga nakatatanda. Halos ito ay makikita sa lahat ng aspeto, halimbawa, ay sa pananamit, kagawiang asal, pananaw at kahit sa simpleng panlasa sa pagkain. Dahil dito maraming pakikibagay ang ginagawa ng isa’t isa para lang umayon at maging maayos ang samahan.

Pagkakaiba ng mga Bata at Matanda

Ang pakikisama at pakikipagsalamuha sa kaparehas na edad ay may maraming naidudulot na kabutihan. Una sa lahat, ay ang mabilis at madali na pagkakaintindihan. Sa mga usaping kuro-kuuro o mga seryosong bagay halos hindi magkakaiba ang inyong mga opinyon at laging nagtatagpo ang mga ideya ng mga taong magkasing edad o mga magkakabata.


Bukod diyan, minsan ay mayroong alam ang mga matatanda, na hindi alam ng mga bata, bisebersa. Halimbawa, ang mga matatanda ay madalas pag-usapan ang kanilang trabaho, kaya’t kapag kinakausap sila ng mga mas nakababata, pinag-hihirapan nila itong isalin sa mas simpleng lingguahe.

mga bata at matanda dapat magkaintindihanSa mga bata naman, madalas na hindi maintindihan ng mga matatanda ang mga usaping panteknolohiya. Pag magkalapit ang edad ng mga naguusap, maiiwasan ang karaniwang problema na ito. Pangalawa, ang pagbibigayan. Pag parehas ang edad ng tao, pag may isang nagkamali, madali lang itong ayusin. Wala iyong prinsipiyo na “mas matanda ako, ako dapat ang tama” Madali itong nakukuha sa mahinahong usapan at walang pataasan ng ere dahil sa pagkapantay-pantay ng edad.

Sa panahon ngayon, talagang napakalaking puwang sa ating lipunan ang edad at uri mentalidad ng bawat henerasyon. Magandang pagtuunan ito ng pansin ng iba’t-ibang organisasyon. Mapakalakaran o ano pa mang larangan sa lipunan, ito ay napakahalaga lalo na sa pagkakaroon ng pagkakaisa at kaayusan.

Mas magiging produktibo ang isang tao pag ang opinion at paniniwala ay hindi magkasalungat, at yan ay isang bagay na mapagkakasunduan ng mga tao kung sila ay nasa parehong lebel ng edad. Para lamang itong prutas, ang mura ay wag mong ihahalo sa magulang, palaging magkahiwalay.