Papel Sa Lipunan Bilang Babae O Lalaki

Lahat ng tao may kanya-kanyag papel dito sa mundo, meron mga nagiging bayani ng bayan, meron nagiging presidente ng bansa, meron nagiging doktor na nagliligtas ng mga buhay, meron din nagiging magulang na nag-gagabay sa mga bagong henerasyon, meron nagiging kusinero na nag-luluto ng masasarap na pagkain.

Iba na ang panahon ngayon, hindi na katulad ng dati na masyadong partikular lamang ang pwedeng gampanang papel ng mga babae at lalaki, ibang-iba na talaga ngayon, mas bukas na ang isip ng mga tao sa buong mundo – lalong-lalo na sa Pilipinas.

Pero isang papel ng babae at lalaki na dapat hindi makalimutan, ay ang pagsisikap na maging edukado para makatulong sa pag-unlad ng bagong henerasyon at ng bansa. Sikapin din na maging mabuti sa ibang kapwa at huwag gumawa ng ikasasama ng sarili at ng ibang tao.

Papel Ng Mga Babae – Mga Halimbawa

1.) Maging isang mabuting ina.

2.) Maging mabuting imahe sa mga ibang kababaihan

3.) Maging boses ng rason.

papel ng mga babae sa lipunan4.) Piliin maging mabait kahit na napapaligiran ng mga masasamang impluwensiya

5.) Maging malinis sa bahay.

6.) Maging mabuting anak

7.) Maging mabuting estudyante para makahanap ng magandang trabaho

Papel Ng Mga Lalaki – Mga Halimbawa

1.) Maging mabuting ama.

2.) Maging mabuting mamamayan

3.) Huwag manlalamang ng kapwa

papel ng mga lalaki sa lipunan4.) Maging maka-Diyos

5.) Maging Magalang sa lahat kababaihan

6.) Maging Magalang sa lahat ng mas-nakakatanda

7.) Maging bukas ang isipan sa progreso ng bagong henerasyon

8.) Maging makabayan

9.) Laging maging handa tumulong sa mga nangangailangan

10.) Maging matapang

11.) Maging mabuting asawa