Ang may dalawang libong taong gulang na Hagdan-hagdang palayan ng Banaue ay inukit sa mga bulubundukin ng mga sinaunang katutubo na tinatawag na mga Batad sa bansang Pilipinas. Ang Hagdan-hagdang Palayan ay kinikilala rin bilang ikawalong wonder sa mundo.
Dahil noong unang panahon pa lamang ito nai-ukit sa bundok, kakaunting kagamitan lamang ang ginamit ng mga sinaunang katutubo upang magawa ang obra na ito. Sila ay dumepende sa kanilang sariling lakas at sa kanilang malikhaing kaisipan upang magawa ang hagdan-hagdang palayan. Ang mga palay dito ay nadidiligan gamit ang isang sinaunang irigasyon na nakakonekta sa mga kagubatan sa bandang itaas ng palayan.
Lokasyon ng Banaue Rice Terraces
Ang pamosong palayan na ito ay matatagpuan sa Banaue. Ang bayan ng Banaue ay isa sa mga siyam na bayan ng probinsiya ng Ifugao, na matatagupan sa Rehiyong Administratibo ng Kordilyera. Ang bayang ito ay nasa hilaga ng Hungduan, silangan ng Sabangan, kanluran ng Mayoyao at timog ng Bontoc at Barlig.
Ang bulubundukin kung saan inililok ang hagdan-hagdang palayan ay may mahigit-kumulang na taas ng 1,500 metro at may lawak ng 10,000 kilometro kuwadrado. Dati rin itong kinikilalang Hagdan-hagdang Palayan Patungong Kalangitan.
Kahalagahan
Maraming naidulot na mabuti ang Hagdan-hagdang palayan ng Banaue sa bansang Pilipinas. Ito nga ay tinaguriang Ikawalong Wonder ng Mundo, kaya ito naman ay madalas na dinadayo ng mga turistang galing pa sa iba’t ibang mga bansa. Bukod sa kanyang pandaigdigang titulo, ito rin ay tinaguriang Pambansang Kultural na Kayamanan, kaya pati ang mga lokal na turista ay bumibisita rin.
Maliban sa kanyang idinudulot na mabuti sa usapang panturismo, ang hugis din ng Hagdan-hagdang Palayan ng Banaue ay isang matipid na paraan ng pagsasaka. Ito ay dahil matipid ito sa lupa at pinapabagal nito ang agarang pagdaloy ng tubig sa paanan ng bundok. Bukod dito, ang mala-hagdang hugis din nito ay napipigilan ang pagguho, at nagaalok ng mainam na kondisyon para sa mga pananim na tulad ng palay. Ang mga puno kagubatan sa tuktok ng mga bulubundukin ay sumasalo ng ulan, upang ang tutulong tubig na dadaan sa sinaunang irigasyon na ginawa ng mga katutubo ay mineralisado.
Bilang napasama sa mga magagandang tanawin sa buong mundo, ito ay isa nang karangalan at maipagmamalaki ng mga Pilipino, at sana ay bigyan ito ng pahalaga dahil naging parte na ito ng kasaysayan ng bansang Pilipinas at ng buong mundo.
Hindi lang ito isang tanawin, simbolo rin ito na sumasalamin sa pagkatao ng mga Pilipino, bilang isang masipag, malikhain, matiyaga at matatag sa kabila ng anumang pagsubok at dagok ng buhay.