Saan Matatagpuan Ang Borneo Rainforest

ang lokasyon ng borneo rainforestAng kagubatan ng Borneo ay may lawak ng 427,500 square kilometers, at ito ay nahahati sa iba’t-ibang mga eco-regions; ang kagubatan sa paanan ng bundok, ang sentro ng kagubatan ng Borneo, at ang pastulan ng Kinbalu.

Ang limang rehiyon ng kagubatan sa paanan ng bundok ay natatangi sa isa’t isa dahil sa kanilang klima at sa dumadaloy na ilog ng Kapuas at Barito na dumadaloy sa bawat gubat. Ang mga ilog na ito ang pumipigil sa mga hayop na lumipat mula sa bawat rehiyon ng gubat.

Lokasyon Ng Borneo Rainforest

Noong panahon ng Pleistocene, ang Borneo, Java, Sumatra, at ang Indochina ay iisang isla lamang. Sa paglipas ng panahon, nagkahiwa-hiwalay ang mga nabanggit na isla. Kasama ang mga halaman at hayop na nakatira sa bawat isla, kaya ngayo’y makikita ang pagkakapareho sa mga lugar na nabanggit. Ang kagubatan ngayon ng Borneo ay kinikilala bilang isang eco-region na matatagpuan sa timog-silangang Asya.

Batay sa mga pag-aaral, ang gubat ng Borneo ay nabibilang sa teritoryo ng mga islang Kalimantan ng Indones, Sarawak at Sabah ng Malaysia, at Brunei. Ang kagubatang ito ay sumusuporta sa mahigit kumulang na sampung-libo na iba’t-ibang klase ng halaman, tatlong-daang uri ng mga ibon at mga iba pang hayop. Nakalulungkot lamang na isipin na ang kagubatang ito ay patuloy na nasisira dahil sa pagtotroso, pangangaso, at modernisasyon.

Kahalagahan ng Gubat

Ang kagubatan ng Borneo ay tinaguriang pinakamalaking gubat ng Asya, kaya’t ito ang itinuturing na tahanan ng iba’t ibang mga uri ng hayop na nanganganib ang populasyon tulad ng mga orangutan, elepante, rhinos at iba pa. Bukod sa mga iyon, ang sari-saring mga ecosystem tulad ng mga bakawan, ilat, at sukalan, ay nagsisilbing tahanan sa mga kakaibang hayop at halaman.

mga halaman at hayop sa gubat ng borneoMaliban sa pagiging tahanan ng mga hayop, ito rin ay nagbibigay ng pagkakataon sa pagtrabaho ng mga lokal na nakatira sa mga karatig isla ng Borneo, at nakatutulong rin sa ekonomiya.

Kapag ang kalinisan ng tubig dito ay mapapanatili, maaari din itong pagkuhanan ng tubig.

Ang Malay at Indones ay ang mga may pinakamalaking bahagi ng plantasyon ng palm. Ang palm oil ay ang pinakamurang uri ng mantika kaya mas pinipili ito ng karamihan.

Ang lokasyon ng gubat ng Borneo ay hindi tiyak, subalit ito ay isang napakahalagang lugar sa mga katabi nitong bansa bilang isang pinagkukuhanan ng mga yamang-gubat at kanlungan ng mga kakaiba, bihira, at mga nanganganib na uri ng hayop at halaman. Nararapat lamang na ang gubat na ito ay ingatan ng mga tao.