Saan Matatagpuan Ang Huang Ho

huang ho ng china ang lokasyon nitoHuang Ho o Dilaw na ilog ay isa sa mga pinakabantog na ilog sa buong Asya. Ang pangalang Huang ay hango sa salitang Mandarin na ang ibig sabihin ay “dilaw”. Ang Huang Ho ay pangatlo sa pinakamalaking ilog sa Asya at pang-anim naman sa pinakamahaba sa buong mundo.

Ito ay may habang 5,464 kilometro na kung saan ang tubig rito na galling sa talampas ng Tibet na makikita sa probinsya ng Qingha ay dumadaloy patungong silangan hanggang sa ito’y nagtatapos sa Yellow Sea. Ang kulay ng buhangin ng Huang Ho ay nagkukulay dilaw dahil sa mga mineral na nang-gagaling sa talampas ng Loess.

Lokasyon ng Huang Ho

Matatagpuan ang Huang Ho sa probinsya ng Qinghai. Sa taas nito ay bundok ng Bayan Har at sa bandang kanluran naman ng ilog ay ang kapatagan ng Hilagang Tsina. Ang tubig ng Huang Ho ay dumadaloy sa siyam na pangunahing probinsya ng Tsina. Malapit din ito sa siyudad ng Donying, na matatagpuan sa probinsya ng Shandong.

Ayon sa kasaysayan ng Tsina, sa Huang Ho umusbong ang mga sinaunang sibilisasyon ng lahing Tsino. Dito rin ang kanilang naging kanlungan dahil sa maganda ang klima at malusog ang lupain ng Huang Ho. Isa rin ito sa mga pinaka-progresibong rehiyon sa Tsina.

Kahalagahan

Napakahalaga ng Huang Ho sa mga mamamayan ng Tsina, mapapulitikal, ekonomiya o turismo man. Sa larangan ng pulitika, ito ay nagsilbing sentro ng mga sinaunang lider dahil ito ay nasa gitna ng Tsina, kaya madali itong mapuntahan. Sa aspeto ng ekonomiya naman, ang ilog ng Huang Ho ang nagsisilbing daanan ng mga barko at iba pang sasakyang pantubig para maihatid ang mga kalakal mula gitna o sentro ng Tsina papuntang silangang bahagi.

kahalagahan ng huang ho sa bansang tsinaDahil din sa Huang Ho ay nakatitipid ang mga mangangalakal na Tsino sa pagamit ng mga bangka, kaya hindi na kinakailangan pa ng gasolina.

Ang tubig ng Huang Ho ay ginagamit din sa mga irigasyon sa mga sakahan at pinagkukuhanan din ng enerhiya para sa elektrisidad. Dahil dito, sagana sa tubig at maunlad ang agrikultura sa gitnang rehiyon ng Tsina.

Ang ilog ng Huang Ho ay nakatutulong sa paghihikayat ng mga bisita na pasyalan ang mga nag-gagandahang tanawin sa paligid ng Huang Ho. Andyan ang talampas ng Loess, ang talon ng Tsokolate mga kagubatan at malalawak na pastulang lupa. Tunay na mayaman ang Huang Ho sa kultura man o kasaysayan.