Saan Matatagpuan Ang Khyber Pass

train na papuntang khyber passGinamit ang Pasong Khyber, ng mga tanyag na paglusob noong rehime ni Darius I at Genghis Khan. Marami ring iba pang mananakop na dumaan dito galing sa Mongolia. Bago dumating ang kapanahunan ng Kushan, ang Khyber Pass ay hindi madalas na gamiting ruta ng mga mangangalakal.

Nang dumaan ang panahon, ang mga Sikhs naman ang nanakop sa Khyber Pass mula taong 1834 hanggang 1837. Nang dumating ang mga Briton, pinatayuan ang daanang ito ng riles, at pangharang sa mga tangke.

Lokasyon ng Khyber Pass

Saan nga ba ang Pasong Khyber? Ito ang daanang may haba ng apat na pu’t limang kilometro. Ito ay may taas na isang-libong metro at ito ay matatagpuan sa gitna ng mga bansang Pakistan at Afghanistan. Ang daanang ito ay kumokonekta sa Peshawar ng Pakistan at Kabul ng Afghanistan.

Sa magkabilaang gilid ng Khyber ay may dalawang maliliit na sapa at matirik na bangin. Ang makitid na bangin na ito ang bumubuo ng daanan ng Khyber, na pinapagitnaan ng mga talampas na yari sa pisara at apog na mayroong taas ng dalawang daang hanggang tatlong daang metro at lulusot ito sa mga burol ng Khyber mula sa bukana ng Shadi Bagiar, malapit sa Jamrud, at tutuloy sa bandang lumang Afghan Fort ng Haft Chah. Kapag diniretso pa ang daan na ito, aabot ito sa tuyong kapatagan ng Lowyah Dakkah, na may kahabaang aabot sa ilog ng Kabul.

Kahalagahan

Ang daanan ng Khyber ay may malaking ginampanang papel sa paghulma ng kasaysayan ng India at sa mga katabi nitong bansa. Ito rin ay nagsilbing pinaka-importanteng daanan ng mga mangangalakal na nagmumula sa kung saan mang lupalop ng daigdig. Ito rin ay isang estratehikong lokasyong pangmilitar na nagamit ng napakaraming mananakop. Ang Pasong Khyber ang nagsilbing tulay sa gitna at timog Asya.

papel ng makitid na daan sa khyberAng daanang ito ay napakahalaga rin dahil ito ang isa sa mga kakaunting access point papuntang India, na wari’y pinoprotektahan ng mga bundok. Noong panahon ng Kushan, ang daanan ng Khyber ay naging mahalagang ruta para sa mga manlalakbay, mangangalakal, at ang mga gustong lumipat sa Tsina. Dito dumaan si Darius I ng salakayin niya ang India, at ito rin ang naging tulay upang mapakalat sa iba’t-ibang rehiyon ang Buddhismo.

Ang daanang ito ay masasabing mahalaga dahil sa napakaraming silbi nito sa mga iba’t ibang bansa na karatig nito. Napausbong nito ang kalarakaran ng napakaraming kabihasnan at naging tulay din ito para mapakalat ang isa sa mga pinakamalaking relihiyon sa buong mundo.