Saan Matatagpuan Ang Lake Baikal

kahalagahan ng lake baikalAng lawa ng Baikal ay ang pinakamalaking lawa sa buong mundo. Ang salitang pangalan ng lawing ito ay nagmula sa salitang Mongolian na Baygal nuur, na ibig nitong sabihin ay “natural na tubig”.

Ang lawang ito ang bumubuo ng humigit-kumulang na dalawampung porsiyento ng tubig-tabang na hindi nagyelo sa ibabaw ng mundo. Tulad ng lawa ng Tanganyika, ang lawa ng Baikal ay nag-umpisa bilang isang lambak na nabuo dahil sa bitak sa lupa, at ang hugis nito ay gasuklay.

Lokasyon ng Lake Baikal

Ang nasabing lawa ay isang lawa na nagmula sa isang malaking bitak sa lupa, na matatagpuan sa Ruso, sa may bandang timog ng Siberia, gitna ng Irkutsk Oblast sa hilagangkanluran, at ang Republika ng Buryat sa timog-silangan. Ito ay naglalaman ng 23,615.39 kubiko kilometro ng tubig-tabang. Ito ay may lawak ng 31,722 kilometro kuwadrado, at ang pinakamalalim na bahagi nito ay may lalim ng 1,642 na metro.

Ang madalas na temperatura sa tag-araw ay may 14 digri celsius. Sa taglamig naman ay umaabot ito sa negatib 19 digri Celsius. Ito ang ikapitong pinakamalaking lawa sa buong mundo, at kinikilala bilang ang pinakamatandang lawa sa buong daigdig. Ang Lawa ng Baikal ay idineklara bilang isang pandaigdigang pamanang pook ng UNESCO noong taong 1996.

Kahalagahan

Ang Lawa ng Baikal ay kilala rin na “Perlas ng Siberia” dahil sa mabuting naidulot nito sa kanilang ekonomiya. Ito ay isang sikat na pook sa mga turista at manlalakbay sa buong mundo. Noong taon ng 2013 naitala na mayroong 79,179 na turista na dumalaw sa Lawa ng Baikal, kaya naman malaking tulong ito sa ekonomiya ng Bansang Ruso.

saan makikita ang lake baikalBukod sa magandang naidudulot nito sa ekonomiya ng bansa, ang Lawa ng Baikal ay maraming iba’t ibang uri ng mga hayop at halaman, karamihan dito ay lokal at matatagpuan dito lamang. Isa na dito sa mga kakaibang mga hayop ang Nerpa (Pusa sibirica) o Baikal seal, na isa sa tatlong uri ng mga seal na naninirahan sa tubig-tabang.

Ang Lawa ng Baikal ay isang nakamamanghang phenomenon, lalo na kung iisipin kung gaano na ito katanda. Nararapat sa lawa ng Baikal na ito ay pahalagahan ng Ruso, upang masuklihan nila ang lawa sa lahat ng mabuting naidulot nito sa kanila.

Dapat rin ito ingatan para sa mga lokal at kakaibang hayop na dito lamang matatagpuan at naninirahan. Sana’y mapanatili ng bansang Ruso ang kagandahan at ang kalinisan ng pook, upang ito ay tumagal pa para sa mga susunod na henerasyon.