Sektor Ng Agrikultura

ano ang kahalagahan ng agrikultura ipaliwanagAng agrikultura ay tumutukoy sa pamamaraan ng pagtatanim at pag-aalaga ng mga hayop. Ito ay ginagamitan ng mga makaluma at makabagong agham para sa masagana at maunlad na pangkabuhayan.

Sa Pilipinas, agrikultura ang pangunahing pinagkakakitaan ng mga tao sa Pilipinas. Ang sektor ng agrikultura ang isa sa mga bahagi ng ekonomiya ng pampamahalaan na nagpapapasok ng malaking kita sa kaban at yaman ng bansa. Kilala at tanyag ang Pilipinas sa kalakaran ng agrikultura sa buong panig ng mundo.

Ano ang Sektor ng Agrikultura

Ang sektor na ito ay hindi lamang tumutukoy sa pagtatanim at pag-aani ng mga produkto. Ito rin ay nagagamit sa paghihikayat ng mga turista para pumasyal sa isang lugar. Sa ganitong paraan ay nakakalikom di ng pera ang gobyerno.

Sa panahon ngayon ay nauuso ang pagtatanim ng mga imported na mga halamang namumulaklak na siya namang dinarayo ng mga tao na galling sa bansa at maging sa mga ibang nayon.

Isa sa mga pamosong agri-tourism destination ay ang harding puno ng 10,000 na bulaklak ng tulip na matatagpuan sa bayan Abra. Andiyan din ang Sunflower Maze Plantation ng Tayug, Pangasinan, ang Strawberry Farm sa bayan ng La Trinidad Benguet, at ang Banawe Rice Terraces ng Mountain Province.

Sadyang nabiyayaan ang Pilipinas ng malawak na bukirin, kapatagan, kabundukan, kagubatan, at maging ng bahagi ng tubig na pinagkukuhanan ng mga produktong pang agrikultura. Bawat rehiyon ay mayroong produkto na kanilang maipagmamalaki.

Mga Produkto ng Bawat Rehiyon

Dahil sa malaking pagkakaiba ng topograpiya at klima sa mga bayan ng ating bansa, napakaraming produkto ang iyong makikita sa bawat rehiyon.

Halimbawa nito ay sa Rehiyon ng Cordillera. Dito matatagpuan niyo ang mga gulay gaya ng patatas, carrots, cauliflower, broccoli, Chinese pechay, repolyo at ang dinadayo ng mga turista na strawberry. Kilala rin ang rehiyon sa kanilang mga tanim na bulaklak gaya ng everlasting, dahlia, chrysanthemum at iba pa.

Ang La Trinidad, Benguet ang tinaguriang “Salad bowl of the Philippines”. Ito rin ang pangunahing nagtutustos ng gulay sa merkado hindi lamang sa kalakhang Maynila, kundi sa ibang panig pa ng ating bansa.

Sa siyudad naman ng Davao ay hindi rin matatwaran ang tamis ng kanilang mga prutas. Kilala ang Davao sa kanilang saging na lakatan. Dahil sa natatangi nitong lasa, tinatangkilik ito maging sa internasyonal na merkado.

halimbawa ng bumubuo ng sektor ng agrikultura sa pinasBukod sa saging, sikat din ang Davao bilang produser ng durian, na tinaguriang King of Tropical fruits. Sikat ang prutas nito, sa katunayan ito ay ginagawa na kendi at nakarating na sa iba’t-ibang panig ng daigdig.

Ang pag-aalaga ng mga hayop sa lupa at maging sa tubig ay bahagi rin ng agrikultura. Sagana ang yamang dagat ng Pilipinas. Mula sa 7,100 na isla ng Pilipinas ay matatagpuan ang mga magagandang korales at mga namumukod tanging mga yamang dagat na dito lamang matatagpuan, partikular na sa isla ng Palawan.

Tanyag din ang siyudad ng Dagupan sa kanilang ipinagmamalaking bangus. Dahil sa uri ng tubig sa lugar na ito ay naiiba ang lasa at linamnam ng mga bangus dito. Sa Cebu naman makikita ang pamosong danggit na sa kanila lamang matatagpuan.

Kahalagahan ng Sektor ng Agrikultura

kahalagahan ng sektor ng agrikultura ng mga pinoyNapakahalaga ng sektor ng agrikultura hindi lamang sa larangan ng ekonomiya kundi ay maging sa pang araw-araw na pangangailangan ng isang tao. Mula sa mga tatlong pangunahing pangangailangan ng bawat idbidwal, ang damit, pagkain, at tirahan – lahat ito ay nasasakupan ng usaping agrikultura.

Ang bawat butil ng kanin sa bawat hapag kainan, ang isda at karne na inuulam, ang mga sanggkap na gulay at mga pampalasa – ang lahat ng mga iyan ay produkto ng sektor ng agrikultura.

Hindi mabubuhay ang isang tao kapag wala itong saplot sa katawan. Proteksiyon niya ang damit sa lamig at init mula sa kaniyang kapaligiran. Ang mga tela na ginagawang damit ay mula sa mga hibla ng halaman gaya ng mga pinya at abaka. Ang mga sinulid naman na pantahi ay mula sa mga itlog ng mga higad.

suliranin ng sektor ng mga agrikultura sa buhayAng pangatlong pangangailangan ng tao ay ang bahay na masisilungan. Mula sa mga troso, kawayan, dahon ng niyog at mga pawid, ang tao ay nakakalikha ng bahay na kanyang matitirahan.

Sa paggawa ng mga gamot upang mabigyan ng lunas ang mga karamdaman, produkto ng sektor ng agrikulura ang natatangi ring solusyon upang matugunan ito.

Sa kalakaran ng ekonomiya ng isang bansa ang sektor ng agrikultura ang pinakamahalaga. Nararapat sa pamahalaan na pagtuuunan ng pansin ang sektor na ito. Sana ang mga lupa na para sa sakahan ay hindi gawing mga subdibisyon at pakinabangan lamang ng iilan. Sana ay mabigyan ng sapat na pondo ang sektor ng agrikultura lalo na ang mga nasa bahaging laylayan ng bansa.

Higit sa lahat ay ang pagbibigay ng malasakit sa mga magsasaka at tangkilikin ang mga produkto na lokal upang hindi tuluyang mamatay ang sektor ng agrikultura at ng mga magsasaka.