Matapos maproseso ng sektor ng industriya ang mga hilaw na materyales galing sa sektor ng agrikultura, ang mga produkto naman ay ipinararating sa mga mamamyan ng sektor ng paglilingkod.
Ang sektor na ito ay killala rin sa tawag na tersaryong sektor ng mga ekonomista.
Ano ang Sektor ng Paglilingkod?
Ang serbisyo o paglilingkod ay hindi lamang tumutukoy sa pamamahagi ng mga materyal o produkto na nahahawakan ng mga kamay. Saklaw din nito ang mga paglilingkod na hindi nakikita ng mga mata ngunit nararamdaman at nagdudulot ng kaginhawaan sa buhay.
Halimbawa ng mga paglilingkod na nahahawakan at nakikita ay ang pagtitinda ng mga kalakal, pagkain sa mga restawran at iba pa. Ang mga ganitong uri ng paglilingkod ay nakikita at nahahawakan ang mga produkto mula sa sektor ng paglilingkod.
Samantala mayroon naman mga uri ng paglilingkod na ang walang produkto na natatanggap. Sa halip, serbisyo ang nakukuha nilang kapalit.
Halimbawa ng mga ito ay ang daloy ng elekrisidad mula sa mga lingkod kooperatiba, ang pagkakaroon ng malinis na inuming tubig, ang pagpaparating ng mga mensahe ng mga taga media at iba pang uri ng serbisyo na naihahatid na galing sa sektor ng paglilingkod.
Papel na Ginagampanan ng Sektor ng Paglilingkod
Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng sektor ng paglilingkod sa larangan ng ekonomiya at maging sa anumang uri ng kalakaran sa pagpapatakbo sa loob ng pamahalaan. Sa pamamagitan ng sektor na ito ay lalong napapaunlad ang mga produkto at materyales na nanggagaling mula sa sektor ng ekonomiya, agrikulura at industriya. Sa ganitong kalakaran ay lalo pang bumibilis ang pag-unlad ng isang bansa.
Dahil sa kontribusyon at tulong ng mga nasa sektor ng paglilingkod, maayos na naipararating ang mga kalakal kahit saan mang dako ng daigdig. Ang mga produkto at mga serbisyo ay natatamasa ng mga tao sa pamamagitan ng pagbiyahe sa lupa, sa tubig o maging sa himpapawid. Maging sa sining pangkomunikasyon ay mabilis din ang paghatid ng mga mensahe at mga aununsiyo sa mga mamamayan.
Ang mga mangagawa sa larangan ng BPO ang may pinakamalaking ambag sa pagpasok ng dolyar sa bansa. Sa pagkakaroon ng call center napapabilis maging ang pagbili ng mga samut sari na produkto internet.
Sa kasalukuyang panahon, halos lahat ng transaksyon sa pakikipagkalakaran ay ginagamitan ng mga makabagong uri ng mga makina at modernong teknolohiya. Computer Age kung ito ay tawagin, ngunit sa likod ng mga progresibong teknolohiya ay kailangan pa rin ang kumpas ng serbisyo ng mga manggagawa mula sa sektor ng paglilingkod.
Ang mga di-kalibre na uri ng mga computer na ginagamit lalo na sa larangan ng komunikasyon ay produkto pa rin ng mga malikhaing kaalaman ng mga miyembro ng sektor ng paglilingkod. Hindi gagalaw at makakarating ang ang mga mensahe sa mga tao kung wala ang mga manggagawa na nag-aasikaso sa mga makina upang ito ay gumana at maging kapakipakinabang.
Kabilang din ang mga nagmamay-ari ng mga malilit at mga malalaking tindahan sa sektor ng paglilingkod. Sila ang mga pangunahing nagpapagalaw sa distribusyon ng mga produkto sa para ito ay makarating sa merkado. Kabilang din ang mga sektor ng tao na may kianalaman sa pananalapi. Ito ay binubuo ng mga empleyado sa banko, ahente ng ng mga insurance at iba pa na gawain na may kinalaman sa pag-imbak at paggasta sa pananalapi.
Isang Importanteng Parte ng Ekonomiya ng Bansa
Ang sandigan ng maunlad na ekonomiya ay nakasalalay sa kung paano ipararating ng mga kinuukulan ang produksyon, distribusyon at konsumsyon ng mga produkto at serbisyo sa taong bayan. Ang mga tatlong sektor ng ekonomiya, (agrikultura, industriya at paglilingkod) ay may kanya-kanyang papel na ginagampanan upang ito ay maisakatuparan.
Ang paghina o pagkawala sa kalakalan ng isa sa mga sektor ay magdudulot ng malaking pinsala sa pagkakalugi ng pamahalaan. Lahat ng tatlong ito ay pantay-pantay lamang. Kagaya ng isang tatsulok, hindi ito tatayo ng matibay kung ang isa nitong bahagi ay mawawala.