Batay sa mga pagsasaliksik ng mga dalubhasa, ang wikang Filipno ay mayroong napakaraming baryasyon. Ang mga bawat partikular na rehiyon at probinsya ay may sariling dayalekto na ginagamit.
Sa bawat pagdaan ng mga panahon ay kasama din na lumilipas ang mga uri ng makalumang henerasyon at ng dayalektong kanilang gamit.
Sa panahon ngayon, kung saan ang mga makabagong henerasyon tulad ng milenyal at edgers ay lumilikha ng kani-kanilang tatak na salita ay muling inaasahan pansamantalang madagdagan o mabago ang mga nakasanayan na natin na salita o linggwahe.
Ang Kahulugan ng Sosyolek
Sosyolek ang tawag sa isang uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na propesyon o ng anumang pangkat na kinabibilangan ng mga iba’t-ibang indibidwal. Sa mga wikang ito may mga salitang pormal at ang mga iba naman ay di-pormal.
Pormal ang tawag sa mga wika na gamit ng mga propesyonal o yung may mga mataas na natatapos tulad ng mga guro, doktor, nars at enhinyero. Di-pormal naman sa mga salitang naimbento lamang ng mga ordinaryong tao sa lipunan. Kadalasan sa mga wikang ito ay kusa ring nawawala sa sirkulasyon kapag ito ay luma na at napagsawaan na ng mga gumagamit nito.
Mga Halimbawa ng Sosyolek
1.) Pro Bono Serbisyo
2.) Takdang Aralin
3.) Asignatura at kurikulum
4.) Astig
5.) Tapwe
6.) Mustah po
7.) Chx
8.) Boom Panes!
9.) Churva
10.) Chaka
11.) Ansabe?!
12.) Ala Areps
Marami tayong uri ng sosyolek na salita. Dahil yan sa ating hindi pagkakatulad sa mga maraming bagay tulad na lamang ng edad, kasarian, katayuan sa buhay at klase ng lipunan na ginagalawan.
Sa mga propesyonal gaya ng mga abogado, guro, nars at iba pa, sila ay may mga partikular na sosyolek na wika na kanilang ginagamit sa kanilang mga kliyente, pasyente o mga estudyante.
Mga salitang kung minsan ay sila lamang ang nakakaintindi. Sa mga grupo naman ng mga bading, andiyan ang gay lingo at bekimon, sa mga kabataan naman ay jejemon at konyo, at pabalbal naman o salitang kanto sa mga tambay at siga ng mga kalye.