Talumpati Tungkol Sa Buhay

maikling talumpati tungkol sa buhay tagalogAng bawat nilalang na may buhay ay minsan lang dadaan dito sa mundong ibabaw. Ang pinakamahalagang biyaya na natanggap natin mula sa ating dakilang lumikha ay ang ating buhay.

Tayo ay ginawa ng Diyos na pantay-pantay sa kanyang paningin. Magkaiba man ang ating kulay, anyo, at hubog ng pangangatawan, lahat tayo ay pare-pareho lamang.

Sa lahat ng nilalang na may buhay sa mundo tao ang bukod tangi na may pinakamataas na antas ng kaisipan at damdamin.

Makulay, mahirap at puno ng pagsubok ang buhay. Ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang uri ng buhay na tinatahak.

Ang ating buhay ay nagsimula sa ating kamusmusan, kung saan ito ay payak at simple lamang lahat para sa atin.

Buhay na walang kapaguran at puno ng kalayaan sa anumang bagay na gusto nating gawin. Ngunit ang panahon ay lumilipas at kasabay nito, tayo ay tumatanda. Dumadaan tayo sa iba’t-ibang yugto ng ating pagkatao.

Kaakibat ng ating pagtanda ay ang mga malalaking responsibilidad at mga obligasyon na dapat nating harapin sa ating araw-araw na pamumuhay.


Ang buhay ay parang hagdan, ang bawat hakbang ay may katumbas na yugto na dapat nating pagdaanan.

Habang tumataas ang ating mga hakbang ay lalo tayong nangangailangan ng tibay ng ating pagkatao upang maakyat natin ang ating gustong makamtan sa buhay. Hindi madali ang buhay. Para itong gulong ng sasakyan na paikot-ikot lamang.

halimbawa ng mahabang talumpati tungkol sa buhaySadyang puno ng pagsubok ang buhay, sa bawat pagsubok tayo minsan ay nadadapa ngunit pilit pa ring tumatayo. Nagkakamali ngunit natututo. Umiiyak ngunit natutumbasan rin ng kaligayahan.

Habang tayo ay nabubuhay ay gawin nating makabuluhan ang bawat araw na dumadaan. Huwag natin itong sayangin dahil hinding-hindi na ito babalik pang muli.

Walang kabuluhan ang panahong lumilipas kung ang bawat isa sa atin ay walang mga gintong aral na naiiwan sa ating mga pagkatao. Gaya ng aking sinabi, minsan lang tayong mabubuhay sa mundong ibabaw.