Talumpati Tungkol Sa Ekonomiya

maikling Talumpati Tungkol Sa Ekonomiya tagalogAng paglago at pagiging matatag na ekonomiya ng isang bansa ay palatandaan ng pagkakaroon ng progresibong aspetong pananalapi, kalakaran, produksyon at higit sa lahat ay sa antas at kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan sa isang bansa.

Kabilang ang ating bansang Pilipinas sa mga tinatawag na “third world country”. Tayo ay nabibilang sa kategorya ng mga bansang kasalukuyang umuunlad pa lamang.

Ang GNP o ang Gross National Profit ang basehan para malaman kung gaano lumalago ang ekonomiya ng isang bansa. Hindi kaila sa atin na palagi natin itong naririnig at nababasa sa mga balita na gumaganda raw ang kalagayan ng GNP natin.

Pero kung ito ay ating susuriing mabuti hindi naman natin ito lubusang nararamdaman lalo na sa epekto nito sa ating pang araw-araw na kabuhayan.

Ang kalagayan ng ating bansa sa kasalukuyan ay lugmok parin sa kahirapan. Marami parin ang umaalis sa ating mga kababayan upang makipagsapalaran sa ibang lupain dahil sa kawalan ng sapat na mapagkakakitaan dito sa atin.

Mataas pa rin ang bilang ng mga taong naghihirap at walang permanenteng mga hanap-buhay. Ang presyo ng ating mga pangunahing pangangailangan ay walang tigil ang pagtaas, at patuloy pa rin tayong umaangkat sa mga dayuhang mga bansa.


Ito ang mga kadahilanan kung bakit ko sinasabi na hindi pa rin lubusang nakausad ang ating bansa sa lugmok na kalagayan.

halimbawa ng mahabang Talumpati Tungkol Sa EkonomiyaGaano man tayo kumbinsihin ng ating pamahalaan at sabihing papunta na tayo sa paunlad na ekonomiya, ay mahirap pa rin itong paniwalaan ng mga nakakarami.

Balewala ang kabilaang mga propaganda at mga balita ng pag-unlad kung hindi natin ito tunay na nararamdaman. Ang kailangan natin ay tunay na kaunlaran ng ekonomiya na para sa masa.

Ang uri ng ekonomiya na makakatulong sa pagkakaroon ng mga sistemang makakapagpabago sa pagtulong sa pag-angat ng kabuhayan ng mga nakararami at hindi para sa kapakanan ng mga mayayaman at mga dayuhang mamumuhunan.