Talumpati Tungkol Sa Kaibigan

halimbawa ng maikling talumpati tungkol sa kaibiganAng tunay na kaibigan sa tuwina ay kaagapay. Mula sa ating pagkabata naging bahagi na ng ating kamusmusan ang pagkakaroon ng mga kaibigan. Mga taong kung ituring natin ay hindi na naiiba at kabahagi na ng ating mga pamilya.

Mahalaga ang pagkakaroon ng mga kaibigan. Sila ang ating mga sandigan at takbuhan sa oras ng ating mga pangangailangan, lalo na kapag malayo tayo sa mga mahal natin sa buhay.

Mayroong mga bagay sa buhay na sadyang hindi natin masabi sa ating mga pamilya ngunit nasasabi natin at naidadaing sa ating mga malalapit na kaibigan.

Masarap at maganda ang mamuhay kapag tayo ay napapaligiran ng mga tunay na kaibigan. Nasabi ko na tunay na kaibigan dahil hindi lahat ng kaibigan ay totoo. Mayroong mga tao na sadyang kasa-kasama mo sa tuwina pero hindi mo naman kaibigang tunay.

Ang tagal ng pakikisama mo sa isang tao ay hindi basehan para masabi mo na siya ay kaibigan mo o hindi. Mayroong dalawang uri ng kaibigan. Yaong tunay na kaibigan at ang mga huwad o mapagbalat-kayo. Maging mapanuri at masusi tayo dapat sa pagkakakilanlan ng mga taong kakaibiganin natin. Mahirap ang malinlang at sa bandang huli ay magsisisi.

Ang tunay na kaibigan ay masasabi nating isang malaking biyaya galing sa langit. Sila yong mga tao na maaasahan mo na makakasama mo sa kasayahan o maging sa oras ng kagipitan. Sila ang mga kaibigan na alam mo na kahit nakatalikod ka ay hindi ka susunggaban at sisiraan.


Mahirap humanap ng tunay na kaibigan dahil mangilan-ngilan na lamang sila. Sadyang marami ang mga taong mapagkunwari at mapagbalat-kayo. Sila yong mga naghahanap ng mga taong lolokohin at bibiktimahin nila. Kakaibiganin ka nila hanggang mahulog ang loob mo at makuha nila ng lubos ang iyong tiwala. Mag-ingat sa mga ganitong uri ng tao.

Ang pakikipag-kaibigan ay parang pag-aalaga ng isang halaman sa hardin. Inaalagaan at pinapalago dapat ang samahan para ito ay lumago at tumatag. Kapag natagpuan mo na ang tunay mong kaibigan, mahalin mo ito bigyan ng halaga ang inyong samahan.

mahabang talumpati tungkol sa tunay na kaibigan tagalogAng tunay na magkakaibigan ay nagbibigayan. maging bukas tayo sa pagbibigay ng mga magagandang papuri maging ng mga bagay na hindi maganda tungkol sa ating kaibigan. Ang hindi pagkonsinti sa maling gawain ng kaibigan ay isang tanda ng tunay at mapagmalasakit na kaibigan.

Ang pagkakaroon ng bukas na komunikasyon ay napakahalaga sa matatag na samahan, at ang pinakamahalaga sa lahat ay ang tunay na pagmamahal na walang halong pag-iimbot.

Kung gusto mo makahanap at mapalibutan ng mga tunay na kaibigan, magsimula ka sa sarili mo. Maging mabuti kang kaibigan sa iyong mga kaibigan.