Talumpati Tungkol Sa Maagang Pagbubuntis Ng Kabataan

maikling talumpati tungkol sa maagang pagbubuntis ng kabataanSa panahon ngayon, lahat mabilis. Halos lahat ng transaksyon maaari na gawin sa kompyuter. Bente-kwatro oras pwede kang maghalungkat ng mga bagay-bagay sa tulong ng internet. Hindi lang iyon, sa panahon ngayon, mas maaga ng namumulat ang mata ng mga bata sa katotohanan.

Pabata ng pabata ang mga natututong tumingin ng mga malalaswang imahe sa kompyuter, dahil nadin sa magulang na walang oras para bantayan ang kanilang mga anak. At kahit na gawin nila ito, pag labas ng bahay, wala na silang kontrol sa mga impluwensiya na bubulong sa taynga ng kanilang mga anak. Iba na talaga ngayon.

Taon-taon, pataas ng pataas ang bilang ng mga kabataang nabubuntis at pababa ng pababa ang edad ng mga kabataang nabubuntis. At hindi lang ito sa mga mahihirap na pamilya nanyayari, kahit din sa mga mayayaman na pamilya.

Iba na kasi talaga ang panahon ngayon! Yan ang kailangan natin tanggapin. Sa halip na pilitin nating lasingin ang mga utak natin sa makulay na alaala natin sa nakaraan, intindihin natin na hindi na maibabalik iyon. Isa lang ang direksyon ng sangkatauhan, pasulong. Sumabay tayo sa martsa nila at yakapin natin ang hinaharap.

Kailangan sa magulang manggaling mismo ang pagmulat ng mga bata sa mga gawain ng matatanda, ipaliwanag ng mabuti sakanila, ipaintindi na ang aktong paggawa ng bata ay sagrado, na ito ay ginagawa lamang ng mga taong tunay na nagmamahalan. Huwag natin takpan ang mata nila, kundi buksan natin ang kanilang mga isipan.


Kailangan ipaintindi na bagaman natural ito na ginagawa ng lahat ng nilalang sa mundo, sa kasalukuyang kinakatayuan ay hindi pa sila hand para dito. Na ang tungkulin nila bilang mga bata ay mag-aral ng mabuti para sa kanilang kinabukasan.

halimbawa ng mahabang talumpati tungkol sa maagang pagbubuntis tagalogPara sainyong mga bata, huwag ninyo itapon ang kinabukasan ninyo para sa panandaliang sarap. Hindi madali magpalaki ng bata, tingnan ninyo ang magulong nyo, kung gaano sila magsumikap magtrabaho para lang makapasok kayo sa eskwelahan araw-araw. Isusubo nalang nila na pagkain, ibibigay pa sainyo. Matuto kayo magkaroon ng utang na loob.

Sa tingin nyo ba makakapag-aral pa kayo pag nagkaroon kayo ng anak sa napakabatang edad? Hindi na. Yang mga barkada ninyo? Mawawala lahat yan, ang pagpapalaki ng bata ay panghabang-buhay na tungkulin.

Hindi ninyo kailangan magmadali. Huwag ninyo paikutin ang mundo ninyo sa mga kasintahan ninyo. Lasapin ninyo ang inyong kabataan dahil bukas makalawa lang ay tatanda nadin kayo.