Talumpati Tungkol Sa Pag-aaral

maikling talumpati tungkol sa pag-aaral tagalogAng pag-aaral at pagkakaroon ng edukasyon ay siyang tunay na kayamanan na kailanman ay hindi mapag-iiwanan.

Walang ibang pinapangarap ang isang magulang kung hindi ang mapag-aral ang kanilang mga anak na kalaunan ay inaasam rin na makapagtapos at maging isang produktibong nilalang.

Isang katuparang ganap na makita mo ang iyong mga anak na masigasig at matiyagang nagpupunyagi para sa kanyang pag-aaral. Lahat ng pagod at hirap ay hindi mo mararamdaman kapag ang kapalit ay ang dedikasyon ng mga anak mo sa kanilang mga akademya.

Dito sa ating lipunan hindi lahat ay nagkakaroon at nabibigyan ng pribilehiyo makapag-aral. Dahil na rin ito sa maraming aspetong kadahilanan. Nangunguna na rito ang kahirapan sa buhay.

Ang simpleng abakada at pagsulat man lang ng sariling pangalan ay tunay na napakailap para sa mga taong isinilang na maralita. Ang pag-aaral na dapat sana ay karapatan ng bawat indibidwal ay naging isang oportunidad sa isang lipunan ng mga mahirap.

Kapag kayo ay magkaroon ng pera at mabigyan ng pagkakataon na makapag-aral, pagyamanin at pahalagahan ninyo ito ng buong puso. Hindi lahat ng tao ay nabibiyayaan.


Sa hirap ng buhay na mayroon tayo ngayon, ang pag-aaral lang natin ang tanging kayamanan na maipapamana sa atin ng ating mga magulang. Totoong mahirap ang maging mahirap ngunit mas mahirap ang maging mang-mang at walang alam.

halimbawa ng mahabang talumpati tungkol sa pag-aaralSa pakikipag-sapalaran sa tunay na realidad ng buhay, hindi sapat ang abilidad, sipag at lakas ng pangangatawan lamang. Nangangailangan rin tayo ng katalinuhan para lubos nating maunawaan kung hindi man ang lahat ay ang mga ibang nangyayari sa ating lipunan.

Sa inyong mga kabataan maging masigasig sana kayo sa inyong mga pag-aaral at huwag ninyong sasayangin ang bawat oras at pagkakataon na lumilipas. Ang pagsisisi ay palaging nasa huli.

Ang pagkakaroon ng munting butil ng kaalaman ay napakahalaga sa ating buhay upang hindi tayo magmistulang mga bulag na naglalakad sa ilalim ng liwanag at sikat ng haring araw.