Talumpati Tungkol Sa Pagtatapos

maikling talumpati tungkol sa pagtatapos tagalogAng bawat kabanata ng pagtatapos ng isang mag-aaral ay hudyat ng panibagong pakikipagsapalaran at umipsa ng mas malaking hamon sa tunay na laban sa buhay.

Isa sa mga pinakaasam-asam ng isang mag-aaral ay ang araw ng kanyang pagtatapos. Ito ang araw na hindi lang tayo ang naghihintay na sumapit, bagkus ay kasama ang mga mahal sa buhay.

Dito nagkakaroon ng tuldok ang ating mga mahahabang litanya tungkol sa hirap ng lahat ng ating pinagdaanan habang tayo ay mga estudyante pa lamang.

Mula sa pagiging mga ordinaryong mag-aaral ay ganap na kayong mga “graduate” ngayon. Ang kasalungat ng salitang pagtatapos ay umpisa. Umpisa o simula ng panibagong yugto ng mas mapaghamong uri ng buhay.

Ang ating buhay na nasanay sa apat na sulok ng silid aralan ay iba na ngayon. Malawak na ang uri ng mundo na ating ginagalawan.

Kaakibat nito ay ang mga malalaking obligasyon at mga responsibilidad na nakatang na sa ating mga balikat. Dito na natin tunay na maiintindihan ang tunay na kahulugan ng salitang buhay.

Walang silbi ang lahat ng ating mga parangal at mga gawad na natanggap mula sa ating pagtatapos kung hindi natin ito lubusang magagamit.


Ang mga diploma at mga matataas na grado ay magsisilbing mga palamuti lamang kung hindi natin ito magagamit ng may kabuluhan.

Alalahanin natin na sa kabila ng hirap ng ating mga magulang ay pilit nila tayong iginapang at itinaguyod para lamang makatapos tayo sa ating pag-aaral.

halimbawa ng mahabang talumpati tungkol sa pagtataposAng karangalan sa pagtatapos ay regalo natin sa ating mga magulang. Ngunit ang kapakinabangan ng ating pag-aaral ay para sa ating mga kinabukasan.

Ang pagtatapos sa ating mga kurso ay ang umpisa ng ating unti-unting pagtayo sa ating mga sariling mga paa.

Umpisa ng pag-abot ng ating mga munti at malalaking pangarap at paghahanda sa ating mga sarili para sa mapaghamong paglalakbay sa totoong kahulugan ng buhay.