Talumpati Tungkol Sa Pamilya

maikling talumpati tungkol sa pamilya tagalogSa anumang oras ng pangangailangan, anumang hidwaan at hindi pagkakaunawaan mayroon tayo, sa hulit-huli ang pamilya pa rin ang ating natatanging kanlungan sa buhay.

Tayo bilang isa sa mga bansang nabibilang sa Asya ay may kaugalian at kulturang kinagisnan na may malapit na ugnayan sa bawat miyembro ng ating mga pamilya.

Hindi bago sa atin na nakakakita tayo ng mga uri ng pamilya sa ating lugar na kung saan ay halos lahat hanggang sa mga lolo, lola at mga tiyahin at iba pang kasapi ng pamilya ay kasama sa loob ng isang maliit na tahanan.

Hindi natin iniinda kahit na maliit ang tirahan at nagsisiksikan, ang mahalaga ay buo at masaya ang pamilya. Ganyan ang buhay pamilya nating mga Pilipino.

Ang ganitong uri ng sistema minsan ay may naidudulot na kabutihan, minsan naman ay may hindi magandang dulot. Maganda sa tanang, nakakabuo ito ng mahigpit na samahan at pagkakabuklod-buklod ng bawat isa.

Pero ang ganitong uri ng samahan minsan ay nagdudulot ng pagiging pala-asa ng mga iba. Hindi tayo matututo na tumayo sa ating mga sariling paa. Habang buhay tayong aasa sa lakas at tulong ng mga mahal natin sa buhay.


Ang pagkakaroon ng pamilya lalo na sa mga bago pa lamang ay hindi gawaing biro at laru–laro lamang. Kaakibat nito ay ang napakalaking obligasyon na nakaatang sa ating mga balikat.

halimbawa ng mahabang talumpati tungkol sa pamilyaLalo na kapag may mga anak na tayo na umaasa sa atin. Ang pagpasok sa estadong ito ng buhay ay dapat na masusing pinag-hahandaan. Handa tayo dapat sa aspetong pang-pinansiyal at ganun rin sa emosyonal.

Walang kasing saya ang pakiramdam ng may pamilyang sarili na maituturing at maipagmamalaki mo sa buhay. Kayamanang tunay kung ito ay sabihin ng mga nakatatanda.

Ang pamilya na kahit ano pa mang uri ng bagyo ang pagdadaanan, ang samahan ay pansamantalang mabubuwag ngunit kusa pa rin itong mabubuo dahil sa masidhing pagmamahalan ng bawat isa.