Talumpati Tungkol Sa Pangarap

maikling talumpati tungkol sa pangarap tagalogAng buhay ng tao ay nabubuo mula sa ating mga munting pangarap. Mga munti na kalaunan ay unti-unting lumalaki at nagkakaroon ng hugis, kulay, buhay at kauparan para sa ating hinaharap.

Walang kasing ganda ang bumuo ng mga pangarap sa buhay. Minsan ay umaabot tayong nangangarap ng mga bagay na wala na halos sa realidad at katotohanan.

Hindi naman ito masama huwag lang po nating seseryosohin ito. Ang mamuhay na walang plano at pangarap sa buhay ang siyang maituturing nating masama.

Ang pagkakaroon ng mga pangarap ay walang pinipiling edad sa buhay, lahat ay pantay-pantay. Maging ang mga batang paslit ay mayroon ring mga minimithing mga gustong makamit. Mayroong kasabihan na “mangangarap ka rin lang, itodo mo na”.

Ang bawat tao ay may natatanging pangarap na gustong makuha o maabot sa buhay, dahil sa mga ito ay nagpupunyagi tayo sa anumang uri ng larangan na ating kinatatayuan para ito ay ating makamtang tunay.

Mayroong mga pangarap na minsan ay abot kamay na pero sa mga hindi inaasahang pagkakataon, minsan ito ay naglalahong parang bula na lamang. Sa mga ganitong pagkakataon huwag tayong magpanibugho at mawalan ng pag-asa.


Pilitin nating bumangon at gumawa ulit ng panibagong pangarap. Ang buhay ay sadyang mapag-biro. Mayroong mga bagay na talagang hindi itinadhana na para sa atin, mapamateryal man ito o hindi. Sabi nga nila kung hindi ukol ay hindi bubukol.

halimbawa ng mahabang talumpati tungkol sa pangarapKapag tayo ay nangarap at hindi natin nakamtan, huwag po tayong malulumbay sa buhay. Maging bukas po ang ating mga kaisipan. Ang bawat araw na biyaya sa atin ng dakilang lumikha ay gamitin natin para sa pagbuo ulit ng mas maganda pang mga pangarap.

Mga pangarap na magsisilbing ating mga inspirasyon upang tayo ay lalong sumipag at tumatag sa anumang unos darating sa ating mga buhay.