Talumpati Tungkol Sa Teknolohiya

maikling talumpati tungkol sa teknolohiya tagalogSino sa atin ang makapagsasabi na ang mga bagay na nakakamangha na sa pelikula lang natin nakikita ay magkakaroon pala ng ganap na katuparan sa ating makabagong panahon? Mga bagong teknolohiya na tunay na nakakalula at kamangha-mangha.

Saan mang sulok ng daigdig, mayaman o mahirap mang bansa, lahat ay gumagamit na ng makabagong pamamaraan ng teknolohiya sa iba’t-ibang uri ng larangang pangkabuhayan.

Kasabay ng bilis ng paglipas ng panahon ay ang walang humpay na pag-usbong ng mga sari-saring imbensyon sa siyensiya at teknolohiya.

Mga bagay na kadalasan ay nakikita nating gamit sa opisina, tahanan, industriya, agrikultura, transportasyon at higit sa lahat ay sa larangan ng komunikasyon.

READ MORE:   Talumpati Tungkol Sa Kahirapan

Ang bawat pagbabago sa uri ng ating pamumuhay ay may kaakibat na kagandahan at hindi kagandahan na naidudulot sa atin.

Maganda ang pagkakaroon ng modernong teknolohiya dahil lahat halos ng ating mga gawain ay napapabilis. Ang mga dati na manu-mano kung gawin ay isang pindot na lang katapat ngayon.

Maging sa ating uri ng komunikasyon, ang paghahatid at pagkalat ng mga balita ay “real-time” na kung tawagin. Oras mismo, kung saan at kailan ito nangyari ay puwede na itong malaman ng buong sambayanan.

READ MORE:   Talumpati Tungkol Sa Kabataan

Sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya marami sa sangay ng mga pagawaan at mga opisina ay unti-unti ng nagbabawas ng mga trabahante upang makatipid. Ang computer nga naman ay hindi nagkakamali kahit tumatakbo ng 24-oras.

halimbawa ng mahabang talumpati tungkol sa teknolohiyaAng resulta ay marami ang nawawalan ng mga trabaho. Sa pagkalat ng mga balita marami ang mga walang katotohanan at sadyang mga gawa-gawa lamang. Sa mga batang mag-aaral, minsan nagiging hadlang ang internet sa kanilang pag-aaral.

READ MORE:   Talumpati Tungkol Sa Buhay Estudyante Sa High School

Ngunit talagang hindi maitatanggi na ang direksyon ng ating mundo ay sa pag-gamit na ng teknolohiya, tulad ng GPS na napakalaking tulong sa mga piloto ng eroplano.

Mga modernong instrumento ng medisina kung saan mas tumaas na ang porsyento ng mga naliligtas na buhay simula ng pag-usbong ng teknolohiya.

Maganda man kung ating iisipin ang pagkakaroon ng makabagong teknolohiya ngunit sana ay maging responsable tayong lahat sa paggamit ng mga ito. Huwag sana nating abusuhin ang kapakinabangan na dulot nito sa ating pamumuhay.