Tula Tungkol Sa Bayan

mga halimbawa ng tula tungkol sa ating bayan pilipinasPamagat: “Dugong Pilipino”

I.

Mayroong isang bayan sa gitnang silangan

Na lubos na katangi-tangi at kinaluluguran

Pilipinas ang kanyang pangalan,

Ito ang aking tahanan, ipinagmamalaki kong bayan.

II.

Bayan ng mga lahing kayumanggi at ng mga matatapang na mga bayani

Maging ang iyong mga isla at karagatan ay tunay na kawili-wili.

Sa mata ng marami lalo na ng mga ibang lahi

Lubos kang nakakabighani at aking ipinagmamalaki


III.

O, Inang Bayan ikaw ang kanlungan

Ng mga Pilipinong totoong makabayan.

Ikaw ang sandigan na laging ipinaglalalaban

Ganyan kita kamahal hinirang kong bayan.

IV.

Salamat sa mga bayani

Na noon ay naapi

Ipinagtanggol ang ating lahi

Upang ating bayan ay hindi malipi.

Interpretasyon

Madugo ang nakaraan ng ating bansa. Maraming tao ang nag sakripisyo ng kanilang buhay para magkaroon tayo ng kalayaan na minsan ay inaabuso natin. Ating mga bayani na nag-laan ng kanilang buhay, upang mailigtas ang mahal nating Pilipinas sa kamay ng mga dayuhan.

Walang ibang katulad ang Pilipino sa mundo. Kahit saan tayo mapadpad, lagi tayo may dalang kinang na galing sa ating bansa. Kahit saan at sino pa man yan, hindi titingala ang Pilipino. Dahil ang Pilipino ay tumitingala lamang sa Diyos.

Wag mong hayaan na maliitin ka ng ibang tao. Dahil ang maging isang Pilipino ay napakalaking pribiliheyo. Itatag mo ang watawat ng lahi na dumadaloy sa iyong dugo. Isigaw mo sa mundo “ako ay Pilipino!”.