Tula Tungkol Sa Edukasyon

mga halimbawa ng tula tungkol sa edukasyon sa pilipinas ng pilipino ipaliwanag

Pamagat: “Pamana

I.

Mula sa pagkamulat ng aking musmos na memorya

Ang lagi kong naaalala ay wika nina ama at ina

“Bigyan ng halaga ang aral sa eskwela,

Ito ang aming tanging maipapamana kung kami ay matatanda na”.

II.

Dahil sa kanilang pagsisikap at walang sawang pagpapatnubay

Ang aking aral ay pinagbuti at nagsumikap nang walang humpay.

Edukasyon ay aking ginawang tulay

Upang aking makamit ang inaasam na tagumpay.


III.

Sa paglipas ng panahon ay nakamtan ko na rin ang inaasam na biyaya

Ako ay napaiyak at tunay nga na nagalak.

Hawak kamay ko na ang pamana nina ama at ina

Kayamanan na sadyang tangi na kailanman ay hindi maiwawaksi.

IV.

Ngayong ako ay magulang na rin

Lagi kong ipapaalala, sa aking mga pamilya

Na ang edukasyon ay hindi lang mahalaga

Bagkus ito ay namumukod tangi na pamana.

Interpretasyon at Kahulugan

Hindi na kailangan pang ipaliwanag kung gaano nagpapakahirap ang ating mga magulang para lang magkaroon tayo ng magandang kinabukasan. Walang magulang ang gustong mapasama ang kanilang mga anak, kahit na minsan ay hindi nagtutugma ang ating mga ideya, laging tandaan na lahat ng ginagawa ng ating magulang ay para sa atin at dahil mahal nila tayo.

Siguro nga may mga pagkakataon na sumosobra sila, pero kadalasan ay hindi pa natin nauunawaan ang kanilang hiling dahil masyado pang bata ang ating kaisipan, kahit gaano tayo katalino, hangga’t hindi natin nararanasan magkaroon ng sarili natin anak, hindi natin mauunawan ng gusto ang ating mga magulang.

Sadyang ganyan lang talaga ang buhay.

Ang edukasyon ay ang kayamanan na kahit kailanman ay hindi mananakaw sa atin. Lahat ng pangarap natin ay makakamit lamang natin kapag tayo ay nakapagtapos ng pag-aaral. Napakaraming tao ang nasa atin posisyon na nag-aasam makapag-aral ngunit wala silang sapat na pera upang magawa ito.

Darating ang panahon na magkakaroon tayo ng sarili natin pamilya at saka natin maiintindihan ang pakiramdam ng magmahal ng isang bagay na mas matinding pagmamahal pa natin sa atin sarili.