Pamagat: “Daang Balikuko” – by J.H.
I.
sa hirap o ginhawa
Napaka dali nya lamang mahalin
hindi kailangan maging mayaman
kailangan lang ng konting lambing
II.
Sa araw man o sa gabi
yakap nya nagsisilbing kumot para sa akin
sa tag-ulan o tag-init
nagsisilbing silong palaging nakaprotekta sa akin
III.
mga patakaran wala akong pakialam
iintindihin ang pinaka-mababaw na lalim
maski ang rima ng tula na ito’y bali-baliktarin
upang maiparamdam lamang ang nilalaman ng aking damdamin
IV.
Ang daan ng pag-ibig ay talagang balikuko
nakakalito, nakakahilo at talagang nakakapuno
pero kung siya ang tanawin sa dulo nito
tatahakin ko kahit pa ang tuhod dumugo
Interpretasyon
Mapapansin ninyo na ang estruktura at rima ng tula na ito ay kadalasang hindi tumutugma, ito ang tinatawag na malayang taludturan o free verse sa ingles, isa ito sa maraming uri ng pagsulat ng tula. Ang dahilan kung bakit malayang taludturan ang napili para sa tula na ito ay dahil sa pagkakahawig nito sa tema ng tula, ang pag-ibig.
Walang patakaran sa pag-sulat ng malayang taludturan. Tulad ng pangalan nito, malaya ang kompositor sumulat kung may rima sa dulo o wala. Tulad ng pag-ibig, walang pinipiling lugar at panahon, pag tinamaan ka wala kang magagawa kundi sundan ang iyong nararamdaman. Mapapansin ito sa ikatlong berso ng tula, kung saan ang tunay na diwa ng nais ipadama ng tula ay malinaw. Malayo ito sa umanoy maamong tema ng una at ikalawang berso.
At sa katapusan ng tula, sa ikaapat na berso. Sinasabi ng sumulat na ang pag-ibig kahit gaano ito katamis at kasarap, ay marami padin pag-dadaanan, darating sa punto na mapupuno ka na at mas pipiliing bumitaw, pero dala narin ng mapaglarong tadhana at hibang na damdamin, kapag kayo sa dulo ay talagang nakalaan para sa isa’t isa, darating ang panahon at magtatagpo ulit ang inyong landas.
Sa punto ng tula na ito ay pinaparamdam ng sumulat na buo na ang kanyang paniniwala na ipaglalaban niya ang kanyang mahal hanggang sa pinakahuling patak ng pawis, dugo at luha nya.
“Kahit pa ang tuhod dumugo”, ibig sabihin nito ay kahit na dumugo pa ang kanyang tuhod sa pag-gapang, hangga’t may tibok pa ang kanyang puso, isisigaw padin nito ang pangalan ng kanyang minamahal.