Tanong
Bumuo ng sariling pananaw kung ano ang dapat na maging katayuan ng kababaihan sa lipunan
Sagot
Kung babalikan ang kasaysayan, nabigyan noong sinaunang panahon ng maliit na papel ang mga kababaihan sa lipunan. At matapos ang ilang siglo, naniniwala akong dapat ay tuluyan nang kalimutan ang harang sa pagitan ng mga kababaihan at kalalakihan sa lipunan.
Kung ano ang nagiging gampanin ng isang lalaki sa lipunan, ay kayang-kaya na ring gawin ng isang babae. Hindi nasusukat sa kasarian ang kapakinabangan ng isang tao. Kaya ng isang babae na maging haligi ng pamilya. Kayang protektahan ang sinumang mahal niya sa buhay. At higit sa lahat, kayang manindigan sa kung anumang tungkuling inaatang sa kaniya.