Makatotohanan Ba Ang Kanilang Ginawa Upang Patunayan Ang Kanilang Pagmamahalan

Tanong

Tungkol sa kwentong “Rama At Sita” – Makatotohanan ba ang kanilang ginawa upang patunayan ang kanilang pagmamahalan?

Sagot

Ang pangako ng pag-ibig, lalo na ng mga mag-asawa, ay ang pangalagaan ang kanilang kabiyak anuman ang pagdaanan. Kasama sa pangako nila sa Maykapal na magsasama sila sa hirap at ginhawa, kalusugan at kasakitan.

Ito ang pinatunayan ng kuwento ng pag-iibigan nina Rama at Sita. Matapos silang pagtangkaang patayin ni Ravana sa unang pagkakataon, sabay nilang nilagpasan ang banta ng kamatayan. Nang muling tangkain ni Ravana na angkinin si Sita, hindi nag-atubili si Rama na iligtas ang asawa.

Gumawa ng paraan si Rama upang malabanan ang mapanganib na higante at demonyong si Ravana. Humingi siya ng tulong kahit sa mga unggoy upang lumubsob sa kaharian ni Ravana. Nakipaglaban si Rama kay Ravana na napagwagian ni Rama. Dahil dito ay napagpatuloy ng mag-asawa ang kanilang magandang pagsasama.

Makatotohanan ang kanilang ginawa upang mapatunayan ang pagtingin para sa isa’t isa. Gagawin ang lahat ng isang asawa para sa kaniyang kabiyak kahit pa alam nitong hindi siya lubos na makapangyarihan katulad ng mga kalaban. Inilalabas ng pag-ibig ang lahat ng kagalingan at katapangan sa tao na kahit hindi ito sanay sa pakikipaglaban ay nagagawa nitong matalo kahit ang pinakamababangis pang katunggali. Sabi nga ng lumang kasabihan, hahamakin ng tao ang lahat para lamang sa pag-ibig.