Paano Nagkakaiba Ng Mga Katangian Ang Bawat Tauhan

Tanong

Tungkol sa kwentong “Rama At Sita” – Paano nagkakaiba ng mga katangian ang bawat tauhan?

Sagot

Katulad ng mga nakalakihan nating kuwento, iba-iba ang katangian ng bawat tauhan sa kuwentong Rama at Sita.

Ang mga bidang sina Rama at Sita ay pangkaraniwang mga bida na mayroong pambihirang kabutihan ng puso. Tulad ng ibang kuwentong pag-ibig, ipinakikita ng mga tauhang sina Rama at Sita ang wagas na pagmamahalan. Matapat na asawa si Sita at walang katumbas sa kaniya ang asawang si Rama. Habang si Rama naman ay mapagmahal na asawa. Kahit nakikita sa kaniya ang kahinahunan, lumalabas din ang tapang niya sa oras na kailangan siya ng asawa.

Nagpapakita rin ng kabutihan ng loob ang kapatid ni Rama na si Lakshamanan. Nakahanda itong magbigay ng ayuda sa kaniyang kapatid lalo na sa oras ng pangangailangan nito, anumang suliranin ang kaharapin nila.

Kung mabuting magkapatid sina Rama at Lakshamanan, larawan naman ng kaitiman ng budhi ang magkapatid na Ravana at Surpanaka. Makasarili sila at iniisip lamang nag tibok ng kanilang puso. Kapuwa kasi sila may interes kay Sita na asawa ni Rama. Handa silang gawin ang lahat upang masunod lamang ang kanilang gusto at makuha ang pag-ibig ni Sita. Kahit ang paslangin ang asawa ni Sita ay gagawin nila upang mapasakamay lamang ang babaeng sinisinta.