Tanong
Paano nakaimpluwensya ang lokasyon sa pamumuhay ng mga Spartan at Athenian?
Sagot
Laging mayroong impluwensiya ang heograpiya o lokasyon sa uri ng pamumuhay ng mga mamamayan. Dito nakatuon ang kanilang magiging hanapbuhay, ang uri ng tahanang gagawin, maging ang basehan ng kultura at mga tradisyon.
Ganito rin ang nangyari sa bansang Greece. Kilala ang mga Athenian bilang mahuhusay sa sining at naninirahan sa tabing-dagat. Nakapagdulot ito ng maunlad na kalakalan at pagdating ng produkto para sa kanilang lahi.
Sa kabilang banda, ang mga Spartan naman ay namuhay sa kapatagan kung saan sila nakapagsasaka dahil mayaman ang lupa. Nasa pagitan kasi sila ng bundok at dagat. Nahasa rin ang mga Spartan sa pakikipaglaban.