Paano Nakatutulong sa Tao ang Pagsasagawa ng Mabuting Pagpapasiya Ipaliwanag

Tanong

Paano nakatutulong sa tao ang pagsasagawa ng mabuting pagpapasiya? Ipaliwanag

Sagot

Bahagi ng karapatan ng isang tao ang magpasiya. Gayunman, ang mga desisyong ginagawa natin ay hindi lang naman para sa ating sarili, kung hindi para na rin sa ating kapuwa. Dito pumapasok ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mabuting pagpapasiya.

Naktutulong ito sa isang indibidwal sapagkat nakapagdadala ito ng kapayapaan ng loob sa kaniya maging sa kaniyang kapuwa. Kung maititimbang ang maaaring kalabasan ng isang bagay bago gumawa ng desisyon, malaki ang posibilidad na makagawa siya ng mabuting pagpapasiya. At kapag nakagawa nito, tiyak na magkakaroon ng kapayapaan at magandang ugnayan ang bawat panig. Ang kapayapaang nakakamit at walang kapalit sapagkat nakapagdadala ito ng maraming magandang bagay sa buhay ng isang tao.