Katanungan
Pag usbong ng bourgeoisie?
Sagot
Naging malaki ang ambag ng mga bourgeoisie sa ekonomiya ng mga sinaunang bansa gaya ng sa Europe. Umusbong at nakilala sa lipunan ang mga bourgeoisie nang lumakas ang kalakalan at paglaki ng mga negosyo sa Europe.
Dahil ang mga ibinibigay nilang serbisyo at ipinagbibiling produkto ay lubhang kailangan ng mga mamamayan, naging malakas ang kanilang kabuhayan at unti-unting naging makapangyarihan bahagi ng lipunan.
Umangat sila at kinilalang middle class o panggitnang uri ng mamamayan. Nawala ang pagkakahati ng mahihirap at mayayaman lamang, dahil ang mga bourgeoisie ay mga taong may sapat na kayamanan, ngunit walang hawak na posisyon sa pamahalaan na dinadakila pa rin ng mga tao dahil sa kanilang ambag sa ekonomiya.