Tanong
Sa pangkalahatan nakakatulong ba o nakasama ang globalisasyon?
Sagot
Kailangan nang masusing pag-aaral upang lubos na mapatunayan ang mga epekto ng globalisasyon sa buhay ng mga mamamayan. Gayunman, kung titignan sa perspektibo ng isang payak na bahagi ng komunidad, masasabing nakapagdala naman ng magagandang bagay ang globalisasyon.
Ang globalisasyon ay ang ugnayan ng mga bansa sa daigdig upang magkaroon nang maunlad at sistematikong palitan ng produkto at serbisyo. Dahil sa uganyang ito, maraming oportunidad ang nabubuksan para sa mga Pilipino higit ngayong nakikilala ang ating mga kababayan sa larangan ng pangingibambansa. Mas nagiging bukas ang pamahalaan sa pagtanggap ng mga trabaho mula sa ibang bansa na nagsisilbi namang malaking oportunidad para sa ating mga kababayan.