Maraming lokal at turista sa Europa ang nakakaalam sa dagat ng Caspian. Bagamat ito ay pinalilibutan ng lupa, ito ay mas kilalang bilang dagat sa halip na lawa. Ito ay kinilala bilang isang dagat dahil noong unang natagpuan ito ng mga sinaunang Romano, natuklasan nila na maalat ang tubig ng lawing ito.
Ang tubig rito ay maalat dahil sa mga nakakonektang ilog dito, tulad ng ilog ng Terek, Ural at Volga. Sa mga nabanggit na ilog, ang ilog ng Volga ang pangunahing pinagkukunan ng tubig mga taong nakatira sa Ruso. Dahil sa pagkunsomo di umano ng mga sinaunang lokal sa tubig ng Ilog Volga, bumaba ang lebel ng tubig na umaagos sa dagat ng Caspian, na siyang nagdudulot ng pag-alat nito.
Lokasyon ng Caspian Sea
Napakapopular ng dagat na ito dahil sa kanyang lokasyon. Ang dagat ng Caspian ay matatagpuan sa Europe at Asia. Dahil sa laki at luwang nito, maraming bansa ang makikita sa paligid nito, tulad ng bansang Iran, Ruso, Azerbaijan, Turkmenistan, at Kazakhstan sa kanluran at timog.
Sa bandang silangan at hilagang hibaybay ng dagat ng Caspian naman ay makikita ang mga kapatagan ng Gitnang Asya. Ito ang pinakamalaking anyong tubig na pinapalibutan ng lupa sa mundo, na mayroong lawak ng 371,000 square kilometers, at may lalim ng 300 talampakan.
Kahalagahan
Ang dagat ng Caspian ay napaka-importante sa mga bansang malapit dito dahil sa mga yamang-dagat na makakuha dito at sa turismo. Walompung porsiyento ng nahuhuli na isdang Sturgeon, ang isdang pinang-kukunan ng Caviar, ay nagmumula rito. Bukod diyan, sinasabi na mayroong malalaking reserba ng langis sa ilalim ng hilagang-silangan ng dagat ng Caspian. Noong taong 1992, ang mga bansang Azerbaijan at Kazakhstan ay nakaranas ng paglobo ng kanilang produksyon ng krudo. Ang kabuoan ng kanilang produksyon ay umaabot ng 1.6 milliong bariles ng langis. Noong 2010, muling dumami ang kanilang produksyon dahil sa pagtriple ng naani nilang langis.
Mayroon ring natatagpuan na mga mineral rito, tulad ng sodium sulfate, na ginagamit sa paggawa ng tina. Maliban sa yamang-dagat, mga mineral, at reserba ng langis na matatagpuan rito, malaki din ang papel ng dagat ng Caspian sa turismo ng mga bansang malapit rito, lalo na ang Azerbaijan, Kazakhstan at Turkmenistan, na malayo sa mga dagat.
Ang dagat ng Caspian ay mayroon mabuhanging dalampasigan, malalagong halaman, at kamangha-manghang mga tanawin. Dahil rito ay patok na patok itong pook pasyalan ng mga turistang at mga lokal na bumibisita rito.
Kahit pa hindi gaanong kalinaw kung saan nga ba dapat ipabilang ang dagat ng Caspian, at kahit pa hindi rin sigurado kung dapat nga ba itong tawagin na dagat o lawa, ay patuloy pa rin itong magiging isang napaka-importanteng anyong tubig sa Europa at Asya.