Talumpati Tungkol Sa Bully

maikling talumpati tungkol sa bully tagalogWalang magandang naidudulot ang pagiging bully sa kapwa, bagkus ay kapahamakan lamang ang ating kahihinatnan kapag ganito ang ating asal.

Bullying ang tawag sa hindi magandang asal ng isang tao. Ang pagiging siga, maton, naghahari-harian at pagpipintas sa kapwa ng harap-harapan at walang pakundangan ay ilan lang sa mga haimbawa nito.

Ang bullying ay malimit na nangyayari sa mga kabataan, lalo na sa loob ng paaralan. Mayroong mga uri ng mentalidad na kung saan para sa kanila ang pagiging bully ay sikat kang maituturing.

Ang mga taong ganito ay mapang-alipusta at labis kung manira, manakot at manakit sa pisiskal man o emosyonal na aspeto ng indibidwal. Mahilig silang gumawa ng mga bansag o alyas sa mga taong kanilang kinukutya para ito ay mapahiya.

Ang mga taong nagiging biktima ng bullying ay bumababa ang mga moral at tiwala sa kanilang mga sarili. Ang mga iba naman ay humahantong sa tuluyang depresyon na halos ayaw nang makipagsalamuha sa kapwa.

Mula sa aking personal na karanasan noong aking kabataan, ako rin ay naging biktima ng bullying, dahil sa aking pagiging patpat at maliit ako ay naging tampulan ng tukso at bansag na hindi kaaya-aya.


Ang epekto nito sa akin ay naging pala-away ako tuwing ako ay kinukutya, ito ay hindi dahil sa matapang ako pero nagtatapang-tapangan lang para tigilan lamang ako.

halimbawa ng mahabang talumpati tungkol sa bullySa ating kasalukuyang gobyerno ngayon, maganda at nabigyan na nila ito ng pansin. Mayroon ng batas na ginawa ang Kongreso at kasalukuyan ng ipinatutupad. Batas na nagbibigay proteksyon sa mga biktima ng bullying, at kaparusahan naman sa mga gumagawa nito.

Ang paghusga nang hindi tama at pagsira sa kapurian ng isang tao, kapag ito ay nasabi mo na at nailathala mo na lalo na sa social media, kailanman ay magiging peklat na ito sa kanilang pagkatao.

humingi ka man ng paumanhin, hinding-hindi mo na ito mabubura pa kailanman lalo na sa mapaghusgang mata ng mga tao sa ating lipunan.