Tungkulin Ng Pamahalaan

tungkulin ng pamahalaan sa karapatang pantaoSa isang bayan o teritoryo, mayroon isang organisasyon na namumuno at nagpapalakad ng mga batas. Ang tawag dito ay pamahalaan. Ayon sa mga lingwistiko, ang salitang pamahalaan ay hango sa katagang bathala na tumutukoy sa pinakamataas na diyos sa mitolohiya ng mga Pilipino.

Ang isang pamahalaan ay binubuo ng mga nailuklok na mga opisyal ng sambayanan at mga grupo ng mga taong tumutulong upang makabuo ng mga batas.

Mayroon itong iba’t-ibang anyo na inaayon na sa pamamaraan na ginagamit ng mga namumuno sa loob ng isang gobyerno. Ang mga halimbawa nito ay demokrasya, republika, monarkiya, diktadura at iba pa.

Ang bawat uri ng gobyerno o pamahalaan ay mayroong mga alituntunin at batas na pinaiiral upang mapangalagaan ang kapakanan ng buong sangkatauhan na kanilang nasasakupan maging ang buong teritoryo kung saan nakatira ang mga mamamayan.

Pangkalahatang Tungkulin ng Pamahalaan

Napakalawak ng responsibilidad na hinahawakan ng pamahalaan. Kabilang dito ang:

  • Paunlarin at patatagin ang larangan ng ekonomiya ng bansa. Important ang pagkakaroon ng matatag na pananalapi. Ito ay nakakatulong upang maihatid ang mga serbisyo ng pamahalaan.
  • Panatilihin ang katahimikan, kaayusan at kapayapaan hindi lamang sa loob ng bansa bagkus ay sa buong teritoryo na nasasakupan nito. Nakapaloob din dito ang pagkontrol ng mga krimen sa lipunan.
  • Maghatid ng serbisyong medical at pangkalusugan lalo na sa mga maralita at sa mga miyembro ng komunidad sa liblib na lugar.
  • Pagbibigay ng patas na hustisya na walang kinikilingan. Kabilang na rito ang kasiguraduhan na hindi nalalabag ang karapatang pantao ng sinuman.
  • Pagbigay ng libreng edukasyon lalo na sa elementarya at sekondarya.
  • Tungkulin din ng pamahalaan na maging bukas sa impormasyon ang publiko sa lahat ng sektor ng lipunan lalo na kapag mayroong mga anomalya at isyu na kailangan ng malinaw na kasagutan.
  • Magbigay ng trabaho sa mga mamamayan

Sa kabuuan, ang bawat kasapi ng pamahalaan ay mayroong mahalagang obligasyon na dapat gampanan. Responsibilidad ng bawat tao na magbigay ng positibong aksiyon o tugon sa lahat ng mga benipisyo na ibinibigay ng pamahalaan.

halimbawa pangunahing tungkulin ng pamahalaan ayon sa konstitusyonAng paglikha ng isang maunlad na gobyerno ay hindi lamang nakasalalay sa mga namumuno o mga lider nito. Ang bawat ordinaryong mamamayan ay kailangang lumahok at magbigay ng kaniyang kontribusyon upang maalikhai ng isang kaaya-ayang uri ng pamahalaan.

Dapat huwag lamang umasa sa kung ano ang maibibigay ng lipunan. Iwasang ngumawa ng ngumawa ng wala naming naiprepresenta nag pagbabago. Imbes na maging parte ng problema, sikaping maging kasama ng gobyerno upang mapaunlad ang kasalukuyang sitwasyon ng bayan.