Katanungan
Ano ano ang katangian ng bourgeoisie?
Sagot
Ang bourgeoisie o burgis ay katawagan na umusbong noong medieval France. Tumutukoy ito sa mga artisan at mangangalakal na mayaman at makapangyarihan.
Ilan sa mga katangian ng mga bourgeoisie ay ang pagkakaroon ng maraming kayamanan at ari-arian. Dahil sila ay mayroong malalaking negosyo, malakas ang pasok sa kanila ng pera.
Isa pang katangian ay mahilig sa mga bagay na magpapasaya sa kanila. Mahilig silang bumili ng mga pandekorasyon.
Maituturing din noong panahong medieval ng France na ang mga bourgeoisie ay mga middle class sa lipunan.
Dahil mahilig sa mga materyal na bagay, naiugnay din sa kanila ang isang teoriya ng ekonomiks na tinatawag na “materialism.”