Kabanata 20: Ang Pulong Sa Tribunal (Buod) Noli Me Tangere

« Kabanata 19Kabanata 21 »

Nagpupulong ang mga pangkat para sa gagawing pista. Nais ng mga konserbatibong matatanda na gawing marangya at magarbo ang gagawing selebrasyon para sa ikasasaya ng alkalde at mga prayle.

Ang mga liberal na kabataan naman ay nais gawing dalawang araw ang pagdiriwang ng pista.

Nais nilang buksan ang lahat ng pasugalan at magtapon ng pagkain sa lawa bilang pagsunod sa tradisyon ni Sila na isang diktador na Romano.

Ayaw naman ito ng partido liberal. Nais nila na magkaroon ng pagdiriwang na magiging masaya ang lahat at hindi iilang tao lamang. Gusto rin nilang tipirin ang pondo para sa ipampatayo ng silid-aralan.

Pero ayaw ito ng mga konserbatibo dahil hindi raw magiging masaya ang mga prayle at alkalde kung hindi magarbo ang pista.

« Kabanata 19Kabanata 21 »