Kakayahang Gumawa Ng Maingat Na Pagpapasya

10 halimbawa ng maingat na pagpapasyaAng ating buhay ay sadyang masalimuot at puno ng mga katanungan. Bukod pa rito, ay napakaraming mga pagsubok at dagok ang kailangan nating lampasan araw-araw. Mga pagsubok na kung hindi mahahanapan ng lunas ay puwedeng magpadapa at tumibag sa ating mga paniniwala.

Tayo ay literal na nabibiyayaan ng pag-iisip na siyang gumagabay sa atin kung paano mabuhay sa mundong ibabaw at kung paano mag-isip at gumawa ng mga pasya para sa ating ikabubuti.

Mga Halimbawa

Naranasan mo na bang maipit sa isang situasyon kung saan kailangan mong gumawa ng isang mahirap na pagpapasya? Paano mo ito hinarap? Ano ang iyong mga ginawa?

Sa susunod na maiipit ka sa ganitong situasyon, alam mo na ba ang gagawin? Kung hindi pa, maaari mong gamitin ang mga sumusunod na gabay para sa maingat na pagpapasya:

  1. Ang pagkakaroon ng matibay na paninindigan sa iyong desisyon. Magkaroon ka ng disposisyon sa buhay. Matutong ipaglaban at panindigan sa kung ano ang tama. Maging buo ang loob lagi.
  2. Ang pagiging mahinahon at kalmado sa oras ng problema ay susi sa pagpasya ng tama. Huwag dapat padalos-dalos. Ang pagiging balisa sa oras ng kagipitan ay magbibigay lamang ng dagdag na problema.
  3. Siguraduhin pairalin ang iyong mga prinsipyo. Kung wala man ay umpisahan ng gumawa nito. Huwag gumawa ng pagpapasya na salungat sa kung ano ang pinaglalaban mong prinsipyo sa buhay.
  4. Lagi mong timbangin kung ano ang maibibigay na kabutihan at negatibong dulot ng iyong kapasyahan. Tanungin ang sarili nang hindi lamang isa o sampung beses.
  5. Kumunsulta o sumangguni sa mga dalubhasa. Kung ang iyong pasya ay nangangailangan ng isang propesyonal na opinyon ay huwag mag-atubili na sumangguni agad-agad.
  6. Sa makabagong panahon ngayon, halos lahat ng ating mga tanong ay may nakahanda ng kasagutan sa internet. Maging maparaan tayo at gumawa ng ating mga sariling pananaliksik upang maging gabay sa ating pagpapasya.
  7. Pagsali sa mga grupo o organisasyon na may kahalintulad sa dinaranas na suliranin. Sa ganitong paraan ay matuto ka at magkakaroon ng mga ideya at gawing gabay sa pag-gawa ng iyong kapasyahan.
  8. Huwag solohin ang problema. Lumapit sa iyong pamilya, sila ang mga tao na tunay mong maasahan.
  9. Sa paggawa ng pasya dapat ay buo ang tiwala mo sa sarili mo. Gumawa ka ng pasya na alam mo na kakayanin mo at alam mo na pagtatagumpayan mo.
  10. Sa bawat desisyon mo sa buhay simple man o komplikado, ang pinaka-una mong gawin ay magdasal at humingi ng gabay sa Diyos.

Sa bawat pasya na ating gagawin sa ating buhay maging mapanuri tayo lagi. Timbangin at bigyang halaga ang lahat ng anggulo na puwedeng mangyayari.

Mag-isip bago gumawa ng anumang hakbang. Pagkatandaan natin ang pagsisisi ay laging nasa huli.