Ang Ibong Adarna ay bahagi ng panitikan at mitolohiyang Pilipino. Ito ay isang uri ng korido na binibigkas sa pakantang pamamaraan.
Naisulat at naitala sa kasaysayan ng panitikang Pilipno ang Ibong Adarna noong ikalabing-anim naraan siglo na ang nakalilipas.
Mula noon at hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring katiyakan kung sino ang totoo na sumulat ng nasabing epiko.
Mayroon nagsasabi na ito ay sinulat ni Jose dela Cruz (Huseng Sisiw) at may ibang ulat naman na ito raw ay epiko ng mga Kastila na dinala ni Manuel Lopez de Legazpi noong siya ay pumunta ng Pilipinas.
Ang kuwento ng Ibong Adarna
Ang pamagat na Ibong Adarna ay mula sa sa mahabang patnugot na, “Korido at Buhay na Pinagdaanan ng Tatlong Prinsipeng Magkakapatid, na Anak ng Haring Fernando at ng Reyna Valeriana sa Kahariang Albania”.
Ito ang mga tauhan sa Ibong Adarna:
- Don Fernanndo – Siya ang hari ng Berbanya na ama ni Don Pedro, Don Diego at Don Juan.
- Donya Valeriana – Asawa ni Don Fernando at ina ng tatlong prinsipe.
- Don Pedro- Pinakamatanda sa tatlong prinsipe na kilala sa pagiging tuso at mapaglinlang.
- Don Diego – Pangalawa sa tatlong magkakapatid na prinsipe na sunod-sunuran kay Don Pedro.
- Don Juan – Ang bunso sa tatlo, na may pinakabusilak na puso.
- Donya Juana – Isang magandang prinsesa mula sa kaharian ng Armenya.
- Leonora – Kapatid ni Donya Juana.
- Donya Maria- prinsesa ng Reyno De Los Cristales.
Ang balangkas ng Ibong Adarna
Mula sa pagkahimbing na tulog ni Haring Fernando ay napanaginipan niya na mayroong masamang mangyayari sa kanyang bunsong anak na si Don Juan. Simula noon ay naging matamlay na ang hari at nawalan ng sigla, hanggang siya ay tuluyang nagapo ng isang matinding karamdaman.
Walang mangagamot at uri ng gamot ang puwedeng makapagbigay lunas sa sakit ng hari kundi ang Ibong Adarna lamang. Ang Ibong Adarna ay isang makapangyarihang nilalang na matatgpuan sa Bundok ng Engkantadong Tabor.
Nagpasya ang hari at inutusan niya ang kanyang panganay na anak na si Don Pedro upang hulihin at iuwi sa palasyo ang Ibong Adarna. Tatlong buwan ang lumipas at walang prinsipe na nakabalik. Dahil dito ay inutusan na naman ni haring Fernando ang kanyang pangalawang anak na si Don Diego upang hanapin at iuwi din ang Ibon Adarna.
Lumipas ang limang buwan at kagaya ng dati, walang prinsipe na nakabalik. Ayon sa mga matatandang mangagamot sa loob ng palasyo, puno ng kababalaghan ang Bundok ng Tabor.
Ang sinuman na makarinig sa awit ng Ibong Adarna ay nabibighani at nakakatulog sa kanyang mga awit. Kapag napatakan ang isang mortal ng dumi ng Ibong Adarna , sinasabing sila raw ay nagiging bato.
Labag man sa kalooban ng hari ay inutusan na rin niya ang kanyang bunsong anak na si Don Juan. Mula sa paglalakbay ng prinsipe patungo sa mahiwagang kabundukan ng Tabor ay mayroon siyang nakasalubong na isang pulubing ketongin.
Mistulang pagod at gutom ang nasabing estranghero, kaya hindi nagdalawang isip ang mabait na prinsipe at inalok niya ang kanyang natitirang baon na tinapay.
Lingid sa kanyang kaalaman ang ketongin na kanyang tinulungan ay isa sa mga pagsubok na dapat pagdaanan ng sinuman na gustong mahuli ang Ibong Adarna.
Dahil sa kanyang busilak at ginintuang puso, mayroong nagpakita sa kanya na isang ermitanyo at tinulunagan siya kung paano niya mahuhuli ang Ibong Adarna.
Binigyan ng ermitanyo si Don Juan ng pitong dayap, matalim na labaha at isang gintong sintas. Ito ang kanyang mga magiging sandata upang hindi siya aantukin kapag maririnig niya ang awit ng Ibong Adarna.
Kailangan niya ang labaha upang sugatan ang kanyang sairili, at pagtapos ay bubuhusan niya ng dayap ang kanyang bawat likhang sugat upang hindi siya makaramdam ng antok. At ang gintong sintas ay pantali sa mga paa ng Ibong Adarna kapag ito ay kanya ng nahuli.
Binigyan din siya ng isang timba upang magsalok ng tubig sa isang mahiwagang balon ng tubig upang gamitin niya na pambuhos sa dalawang prinsipe na naging mga bato.
Nahuli nga niya ang Ibong Adarna at naibalik niya taong anyo ang dalawa niyang kapatid mula sa pagiging mga bato.
Habang pabalik ng palasyo ang tatlong prisipe, muli ay nagkaroon na naman ng hindi magandang plano ang panganay na si Don Pedro. Kinausap niya si Don Diego at pinagtulungan nilang binugbug ang nakababatang si Don Juan.
Nakabalik na sa palasyo ang dalawa habang si Don Juan ay naiwan sa bundok. Inangkin ng nakatatandang Don Pedro ang kabayanihan sa pagkakahuli sa ibong Adarna. Ngunit sa kalaunan ay hindi nila mapakanta ang ibon. Lumipas ang panahon at si Don Juan ay nakabalik na rin sa palasyo.
Pagkakita ng Ibong Adarna kay Don Juan siya ay umawit. Isinalaysay ng ibon sa pamamagitan ng pag awit ang totoong nangyari sa bundok ng Tabor, na si Don Juan ang tunay na nakahuli sa kanya.
Pinakawalan ni Don Pedro at Don Diego ang Ibong Adarna habang si Don Juan ay natutulog. Muli, napagbintangan na may kasalanan si Don Juan. Dahil dito, bumalik and tatlong prinsipe sa enkantadong bundok upang hanapin ang ibong Adarna.
Sa kanilang pagdaan sa balon ng tubig ay bigla ni Don Pedro si Don Juan. Sa loob ng balon ay nakita niya ang dalawang prinsesa na naengkanto at nakakulong dito. Sila ay sina Juana at Leonora. Nailigtas at nailabas niya ang dalawa mula sa balon.
Sa tulong ng isang lobo siya ay gumaling at siya ay napadpad sa Reyno delos Cristales at dito niya nakilala si Donya Maria. Isa siyang prinsesa na marunong sa mga mahika.
Sa katapusan ng epiko ay nagkatuluyan si prinsipe Juan at si Prinsesa Maria at pinamunuan nilang mag asawa ang kaharian ng Reyno delos Cristales. Sila ay nabuhay ng mapayapa at masaya.
Puno ng mahika at aral
Hindi matatawaran ang aral na mapupulot mula sa kuwentong Ibong Adarna. Mula noong panahon ng mga Kastila hanggang sa makabagong panahon ngayon, hindi pa rin ito napaglulumaan ng panahon.
Sa katunayan ay makailang beses na itong isinadula ng mga dambuhalang istasyon ng mga telebisyon sa Pilipinas. Ito rin ay binibigyan buhay ng mga manunulat hindi lamang sa mga aklat maging sa paglathala ng mga komiks.
Kathang isip at makaluma ang kuwento ng Ibong Adarna ngunit ang aral nadulot nito kailanman ay hindi mapaglulumaan at sadyang napakalapit sa katotohanan.