Paano Itinatag ang mga Relihiyon sa Asya

Tanong

Paano itinatag ang mga relihiyon sa asya?

Sagot

Bahagi na ng pamumuhay ng mga sinuanang Asyano ang paniniwala sa mga diyos at diyosa. Ayon sa mga historyador, nananalig na ang mga katutubo mula sa Asya sa ilang mahahalagang bahagi ng kanilang paligid bilang pasasalamat sa biyaya ng pagkain at ng kalikasan. Ang konsepto ng pagsamba noon ay nakatuon sa kung anong biyaya ang kanilang natatanggap.

Nang matutong manalig sa konsepto ng kabutihan, dito lumabas ang ilan pang relihiyon na hanggang sa kasalukuyan ay pinaniniwalaan ng mga tao. Nariyan ang Hinduismo na sinasabing pinakamatandang relihiyon sa mundo, ang Kristiyanismo na kasalukuyang may pinakamalaking naniniwala, at Islam na isa ring maunlad na relihiyon sa daigdig.