Tanong
Paano magiging makatarungan ang tao?
Sagot
Bilang tao, tungkulin natin ang maging makatarungan upang magkaroon ng mapayapang buhay. Maisasakatuparan natin ito sa ilang paraan. Una, maging patas sa kapuwa. Laging isantabi ang sariling interes at isipin ang iba at ang pagiging patas. Huwag manlamang para maging komportable lamang.
Ikalawa, laging pumanig sa kung ano ang tama. Kung may mga katiwaliang nakita, huwag magpasuhol o manahimik. Tulungan ang kapuwa upang makamit ang katotohanan. Huwag nang konsintihin ang mga maling gawain.
Panghuli, huwag magpapasilaw sa anumang alok ng masasamang loob. Ang ginhawang dulot nila ay pansamantala lamang. Kailangang pangalagaan ang reputasyon at ang kapakanan ng kapuwa. Wala pa ring kasing ginhawa sa pakiramdam ang gumawa ng tama.