Talumpati Tungkol Sa Ina

maikling talumpati tungkol sa ina tagalogAng ating mga ina ang tanglaw at nagbibigay ng liwanag sa bawat tahanan ninuman.

Mga nanay ng tahanan na may busilak na puso at walang kondisyon kung magmahal hindi lamang sa kanilang mga anak, hanggang sa kanilang kabiyak sa buhay.

Ang pagiging ina ay walang hanngang responsibiliad habang sila ay nabubuhay. Bukod tangi ang kanilang aruga at sakripisyo para sa kanilang mga pamilya.

Nagsisimula ang kalinga at pagmamahal sa atin ng ating mga ina habang tayo ay bitbit nila sa kanilang mga sinapupunan ng siyam na buwan. Sa araw ng ating kapanganakan ay buwis buhay na nakikipagsapalaran ang mga ina, masilayan lamang natin ang kagandahan ng daigdig.

Walang oras na hindi mulat ang mga mata ng isang ina masigurado lamang na walang kahit isang lamok o langaw na dadapo sa kanyang sanggol habang ito ay himbing sa kaniyang pagtulog.

Mula sa ating mga kamusmusan si nanay ang unang nagturo lahat ng kabutihang asal, maging ng simpleng abakada at pagsulat. Siya ang ating unang guro.


Ang pagtataguyod ni nanay sa atin ay tunay na hindi matatawaran at hindi mapapantayan ng anumang halaga at ng sinumang tao sa mundong ito.

Sa ating mga tagumpay maging sa ating mga kasawian ang ating mga ina ang huli nating kanlungan. Sa kanilang pugad ng pagmamahal doon ay napapawi ang bawat sakit na ating nadarama.

halimbawa ng mahabang talumpati tungkol sa inaSi nanay na minsan ay mistulang matapang ngunit lingid sa kaalaman natin ay durog at wasak ang puso sa bawat sakit na nadarama ng kanyang mga supling.

Sana sa kanilang pagtanda ay atin silang kalingain at huwag pabayaan. Isipin na lang natin noong tayo ay paslit pa lamang hindi sila nagsawa na umalalay sa atin hanggang sa ating paglaki.

Ngayong sila naman ay matatanda na at mahina na, atin namang ipamahagi ang lakas na minsan ay ibinuhos nila para lang tayo maitaguyod, mapalaki at maging isang produktibo at mabuting tao.