About Us

Ang TakdangAralin.ph ay isang online resource para sa mga estudyante ng iba’t-ibang antas, kung saan maari silang makakuha ng gabay at kaalaman para sa kanilang mga pinag-aaralan sa eskwelahan.

Pakay ng TakdangAralin.ph na tulungan ang mga bata at matanda na nais pang palawakin ang kanilang kaalaman tungkol sa ating mahal na bayan hanggang sa buong daigdig.

Sino Ang Nagpapatakbo Ng TakdangAralin.ph?

Ang nagpapatakbo ng TakdangAralin.ph ay isang samahan ng mga guro sa iba’t-ibang eskwelahan at unibersidad sa Metro Manila, na may parehong layunin – na ma-angat pa lalo ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas.

Bisyon At Misyon

Marami sa atin ang lumaking wala sa tabi ang magulang, merong OFW, merong seaman, meron ding isa lang ang magulang. Alam namin ang pakiramdam, dahil karamihan sa mga bumuo ng website na ito ay nasa kategoryang iyon.

Mahirap para sa bata kapag wala dyan ang magulang para gumabay at mag-turo sa kanilang anak. Ang pakay namin ay kahit papaano, matulungan ang mga batang ito sa kanilang pag-aaral.

Andito kami para maiparamdam sa mga bata ng bagong henerasyon na ang istorya ng ating bansa ay importante. Andito kami para matutunan ng mga bata na ang pagiging Pinoy ay napaka-taas na karangalan. Andito kami para ipaalam sa mga bata na ang edukasyon ay importante para sa kanilang kinabukasan.