« Kabanata 7Kabanata 9 »
Sakay ng isang karuwahe ay nilibot ni Ibarra ang Maynila. Imbes na matuwa na muling makita ang kinalikahang lugar, panlulumo ang naramdaman niya.
Nakita niya ang kalunos-lunos na sitwasyon ng mga mahihirap. Lalong naging kahindik-hindik ang kalagayan ng Escolta.
Ang lugar na kung saan ay marami siyang alaala ay biglang naging lugar ng bangungot dahil sa kapabayaan. Hindi na napigilan pa ang pagdami ng mga alipin.
Kung ano ang unlad ng mga prayle ay siya namang paghihirap ng mga kawawang Pilipino.
Nang makarating sa Bagumbayan, dito naisip ni Ibarra ang mga aral ng kaniyang dating guro. Naisip niya ang kahalagahan ng edukasyon at ang kinabukasan ng mga kabataang siyang pag-asa ng bayan.