Talumpati Tungkol Sa K12

maikling talumpati tungkol sa k12 tagalogAng programa ng K-12, pinag-aralan at napapanahon nga ba o sadya lamang minadali at kulang sa kahandaan?

Isa sa mga pinakakontrobersiyal na naisakatuparan na batas noong nagdaang rehimen ay ang programa ng K-12 ng ating pamahalaan.

Mayroong mga sumang-ayon pero mas nakararami ang sumasalungat. Andyan ang mga guro, mga mag-aaral at higit sa lahat mga magulang.

Dagdag dagok, hirap, gastos, at pasakit – ganyan kung ilarawan ng mga hindi sumasang-ayon ang programa ng K-12. Kabilaan ang mga apila at petisyon na hanggang ngayon ay nakabinbin pa rin.

Mayroon namang mga pabor sa nasabing programa. Ayon sa kanila ito raw ay sadyang napapanahon at lubos na nating kailangan. Sa lahat kasi ng kasapi ng rehiyon ng Asya, tanging Pilipinas na lamang ang walang K-12.

Napag-iiwanan na raw tayo. Para sa kanila ito ang daan para malinang ng husto ang katalinuhan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Kung ako ang tatanungin ang kalidad ng edukasyon ay hindi nasusukat sa tagal ng taon o panahon na igugugol ng isang mag-aaral sa loob ng paaralan.


Hindi po ako kontra at hindi rin po ako pabor. Ang akin lamang po ay hilaw at kulang sa kahandaan ang nasabing programa.

Napakarami ng mga suliranin sa sektor ng edukasyon. Nangunguna na diyan ang kakulangan ng mga silid aralan, mga aklat at higit sa lahat ang kahandaan ng bilang ng mga guro na magtuturo ng mga asignaturang pang K-12.

halimbawa ng mahabang talumpati tungkol sa k12Sabihin natin na ito ay naisasakatuparan na sa mga malalaking lungsod at probinsiya pero paano ang mga nasa mga rural na komunidad?

Ang pagsasakatuparan ng mga ganitong batas ay maganda sana kung pinag-aralan lamang ng masusi bago man lang ipinatupad. Ang pagkakaroon ng legasiya ng isang rehimen ay hindi masama, at lalong hindi nadadaan sa mabilis na pagpasa at pag-implementa ng mga programa.

Ang pagmamadali sa lahat ng bagay ay nagdudulot lamang ng hindi maganda sa hinaharap.