Tanong
Paano naiiba ang anekdota sa iba pang mga kauri nito?
Sagot
Ang mga anekdota ay salaysay sa isang partikular na kaganapan sa buhay ng isang tanyag na tao. Naiiba ito sapagkat karamihan sa mga anekdotang naging tanyag ay mga pangyayari sa buhay ng isang tao na lubhang kakaiba at katawa-tawa ngunit kapupulutan naman ng aral.
Ito ay rin ay kadalasang hinahango lamang sa totoong pangyayari at hinahaluan na ng malikhaing paraan ng pagkukuwento ng mga pangyayari.
Gayunman, hindi naman puro hango lamang ang mga anekdota. May mga kuwentong sadyang malikhain na at handa nang isalaysay sa mga mambabasa, kasama ang gintong aral na makukuha sa istorya ng buhay ng isang tao.