Abstrak

mga halimbawa ng abstrak na sulatin exampleAng pagsulat ay isa sa mga mabisang pamamaraan sa pakikipagkomunikasyon. Bahagi na ito ng ating kultura at akademya. Ito ay ginagamitan ng iba’t-ibang lenggwahe o wika, at pamamaraan o istilo ng isang manunulat.

Sa pagsulat hindi lamang utak, papel at lapis ang kailangan. Nangingibabaw pa rin ang laman ng ating mga damdamin upang maiparating natin nang lubusan ang ating mga mensahe.

Layunin rin ng bawat sumusulat ng mga artikulo, libro, pahayagan o anumang uri ng babasahin ay ang humikayat, magbigay aliw, at higit sa lahat ay makapagbigay aral at mahalagang impormasyon sa kanilang mga akdang ginagawa.

Halimbawa ng Abstrak na Sulatin

Basahin ang isang halimbawa ng abstrak sa ibaba. Ito ay abstrak tungkol sa mga teknik na ginagamit ng sangka-estudyantehan para makapag-aaal ng husto. Masdan kung papaano nagbibigay ang abstrak ng isang maikling buod ng akademikong sulatin.

Gamit ang isang survey kung saan sumagot ang 250 na lalake at 270 na babaeng estudyante, nais naming ipakita ang mga iba’t-ibang teknik at metolohiyang ginagamit ng mga mag-aaral sa Pilipinas upang makapag-aral ng husto. Ang aming pagsasaliksik ay tumagal ng isang buwan. Kami ay gumamit ng software gaya ng SPSS upang masuri at maintindihan ng maigi ang mga datos na nakalap. Base sa ang aming mga nakalap na datos karamihan sa mga estudyanteng mas nagtatagumpay sa sekondaryang edukasyon ay hindi gumagamit ng teknik na kung tawagin ay “rote learning”. Karamihan sa kanila ay gumagamit ng kanya-kanyang proseso upang makalap ng impormasyon at matandaan ang mga aralin.

Kahulugan

Maraming uri ang mga sulatin na ating nababasa, isa na rito ay ang abstrak na sulatin. Ang abstark na sulatin ay kadalasang tinatawag na akademikong sulatin.

Kadalasan ito ay ginagawa ng mga mag-aaral bago sila matapos ng kanilang mga asignatura. Thesis paper ang madalas na itawag dito. Mababasa sa mga thesis na ito ang mga pag-aaral, pananaliksik at pagkakalap ng mga datus at mga tala na kapakipakinabang para sa napiling diskusyon.

Abstrak na Sulatin Para sa Pananaliksik

Sa mga siyentipiko, ginagamit din ang abstrak na sulatin sa paglilimbag ng mga datus na kanilang nakakalap mula sa kanilang mga pananaliksik.

kahulugan ng abstrak sa pananaliksikGinagamitan pa ito ng mga dokumentaryo para mas maipahiwatig ng mga siyentipiko ang aral na gusto nilang ipaintindi sa napili nilang magbabasa o sa kumunidad na kinabibilangan.

Sa mga sumusulat ng kanilang mga personal na journal, at mga , abstrak rin ang uri ng sulatin na kanilang ginagamit.Ang mga personal na journalay gumagamit lamang ng mga maiiksi ngunit may kompletong inpormasyon sa kanilang mga sulatin.

Samantalang ang mga mananaliksik ay gumagamit ng mga kompletong detalye at tala para sa kabuuan ng kanilang mga pag-aaral.

Mga Elemento ng Abstrak

  1. Kailangan ay may malinaw na pakay o layunin ang isang manunulat. Ang pagkakaroon ng elementong ito ay nagbibigay ng interes sa isang mambabasa para ito ay mahikayat na basahin ang gawa ng isang manunulat.
  2. Mayroong malinaw katanungan na dapat mabigyan ng konkretong kasagutan sa pagsulat ng abstrak. Makapagbigay ng malinaw na kasagutan o tugon sa para magamit ng mga mambabasa.
  3. Mayroong presensiya ng metodolohiya na ginagamit sa kabuuan ng abstark. Magkaroon ng sariling istilo o pamamaraan ng panulat.
  4. Mayroong resulta na mababasa sa buod ng abstrak. Mula sa inilapat na katanungan o problema sa abstrak na sulatin ay magkaroon ng direktibang sagot u tugon para mapunan ang kabuuan ng nasabing sulatin.
  5. Mayroon itong implikasyon na makikita at magagamit ng bumasa ng abstrak. Mga aral na balang araw ay magagamit ng bumasa ng akda ng isang manunulat.

Mga Uri ng Abstrak na Sulatin

May dalawang uri ng abstrak na sulatin. Ito ay ang inpormatibong uri ng abstrak at ang deskriptibo na uri ng abstrak. Ang bawat uri ay naiiba mula sa elemento na ginagamit sa panunulat, sa estilo na ginagamit at sa layunin o pakay na gustong ipaabot ng isang manunulat.

Deskriptibo man o inpormatibong abstrak, pareho itong nagtataglay ng mga mahahalagang inpormasyon at pagbibigay halaga sa kung sino at kung saan nakuha ang mga inpormasyon sa mga nalimbag na abstrak na sulatin.

Deskriptibong Abstrak

Ito ay maiksi lamang na uri ng sulatin. Binubuo lamang ito ng isang daan o kulang isang daan na mga salita. Walang konkretong buod o resulta ng isang sulatin ang mababasa sa uri ng abstrak na ito.

Maihahalintulad lamang ito na parang isang plano lamang na dapat na sundan ng isang manunulat.

Impormatibong Abstrak

Marami sa mga abstrak na sulatin ay inpormatibo ang uri. Halos lahat ng elemento ng abstrak na sulatin ay napaloob sa impormatibong uri. Detalyado at malinaw ang mga inpormasyon na makikita sa babasahing ito.

Higit sa lahat ay kapakipakinabang ito para sa mga magbabasa nito. Ito ay mahaba kumpara sa deskriptibong abstrak. Kumpleto ito at binubuo ng halos dalawang daan at limampong salita o higit pa.