Bakit Sa Italy Nagsimula Ang Renaissance

Tanong

Bakit sa italy nagsimula ang renaissance?

Sagot

Naganap ang renaissance o muling pagsilang sa bansang Italy at lumaganap sa buong Europe nang pumatak ang ika-16 siglo. Sa pag-usbong nito, umusbong ang agrikultura, sining, at arkitektura sa kabuuan ng Europe.

Ngunit sa laki ng Europe, bakit nga sa Italy nagsimula ang panahong renaissance?

Unang salik na itinuturing ng mga historyador ay ang magandang lokasyon nito. Matatagpuan kasi ang Italy malapit sa Dagat Mediterranean na sentro ng kalakalan noong mga panahong iyon. Doon dumadaong ang mga bagong produkto na nakararating sa buong Europe.

Ikalawa, ang Italy ang bumubuo sa malaking bahagi ng imperyong Romano na nagpabagsak sa imperyong Byzantine. Lumaki ang paghanga ng mga taga-Europe sa mga taga-Italy at doon nagsimula ang ilang mahalagang pag-aaral at mga pagtuklas.

Ikatlo, dahil naging sentro ng kapangyarihan at katalinuhan ang Italy, dito nabuo at isinilang ang renaissance. Noong mga panahong iyon, ang Simbahan ang may hawak at nagpapaikot nang halos lahat sa Europe, kabilang ang mga matatalinong tao, makakapangyarihang nilalang, at ang mga mahuhusay na namumuno.

Nasa kanila ang lahat ng makinarya upang patibayin ang kanilang sektor ng agham (agrikultura at arkitektura) at maging ang aspekto ng sining. Dahil dito, hindi na nakapagtatakang naitayo nilang muli ang ganda at husay ng Europe.

Panghuli, dahil ang pera ay nasa Italy sapagkat ito ang sentro ng Europe noong mga panahong iyon. Ang mga lungsod sa Italy na Florence, Venice, at Rome ay nakapagpalago ng mga mahuhusay na negosyante, dahilan upang makabuo ng isang maayos na sistema ng pagbabangko ng salapi. Dumami rin ang mga tinitingalang mga alagad ng sining, tulad ng mga pintor, manunulat, iskultura, at mga enhinyero na lalong nakapagpadala ng salapi sa buong Italy.

Patunay nito ay ang Pamilyang Medici. Sila ay mga mangangalakal na naging marangya. Sila ay nagpatayo ng maraming pampublikong aklatan na lalong nagpalaganap ng kaalaman sa Italy, gayundin ang pagsuporta sa mga pintor at isklutor na pinagkukuhanan din ng kita ng pamahalaan ng Italy.