Katanungan
Halaga sa lipunan ng bourgeoisie noon at ngayon
Sagot
Ang mga middle class o panggitnang uri ng mamamayan na mayroong negosyo ay mayroong kahalagahan sa ating lipunan sa kasalukuyan man o sa nakaraan.
Dahil sila ang nagpapatakbo ng mga negosyo, kabilang ang mga pamilihan, pabrika, at iba pang korporasyon, sila ang nagbibigay ng mga produkto at serbisyo para sa mga mamamayan.
Dahil din sa kanilang mga negosyo, nakalilikha sila ng maraming trabaho at kabuhayan para din sa ibang uri ng manggagawa. Ang mga trabahong naibibigay nila sa ibang mamamayan ay malaking tulong upang mapaunlad ang ekonomiya ng isang bansa.
Kapag maunlad ang ekonomiya, mas maraming oportunidad para sa pag-unlad ang isang bansa.